Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes
Listen now
Description
Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21:15-19 Nag pahayag si Hesus sa Kanyang mga Alagad: Nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” iniibig mo ba ako?”: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”     Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, tinanong ni Hesus si Pedro ng makaikatlong beses kung iniibig Siya ni Pedro. Narinig natin na ang pagtatanong ng Panginoong Hesus ay may progreso. Sa una, winika Niya na pakanin ni Pedro ang Kanyang maliliit na tupa, na sa aking personal na pagkaunawa ay yaong mga bata at balo. Ang ikalawa at ikatlo ay winika ng Panginoong Hesus na pakanin ang malalaking tupa na maaaring yaong mga naunang taga sunod ni Hesus. Subalit sa pangkalahatan, ang maliliit na tinutukoy ay yaong mga sumasampalataya at nanalig sa ating Panginoong Hesus. Mga kapanalig, ipinapakita lamang sa pagbasa na kay Pedro ipapaubaya ni Hesus ang pangangalaga ng Simbahang itinatag Niya. Bilang kauna-unahang Santo Papa, ipinagkatiwala kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Napakalaki ng responsabilidad ng mga sumunod sa kanya, na ngayon ay sa katauhan ni Santo Papa Francisco. Ipanalangin natin siya at ang mga obispo, pari, diyakono na mga lingkod ng ating Simbahan. Amen. -      Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
More Episodes
Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19        I have always something to repent after having talked, but have never been sorry for having been silent.” These words came from St. Arsenius of Rome, who was known...
Published 07/18/24
Published 07/18/24
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24