Description
Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 21,20-25
Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino
ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin
ko siyang manatili hanggang ako’y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito’y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi
mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang
alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na
kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko’y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat.
Pagninilay:
"Sumunod ka sa akin."
Lumingon si Pedro habang sumusunod kay Jesus at nakita niya ang alagad na minamahal na sumusunod din. Kaya't tinanong niya si Jesus, "Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?" Kahit pala Santo ay usisero din si
Pedro! Hindi ba madalas, ganyan tayo? Gusto nating malaman kung ano ang meron sa iba. Kahit na alam nating marami tayong biyayang natatanggap, hindi pa rin tayo nakukuntento dahil inihahambing natin ang sarili sa ibang tao. "Eh, bakit siya may ganito at ganoon?" Minsan naman, dahil sa tinitingnan natin ang iba, hindi na natin
napapansin ang mga biyaya at grasya na meron na tayo. Kaya hindi na tayo nakapagpapasalamat! Sinabihan ni Jesus si Pedro na gawin kung ano ang kanyang
dapat gampanan at huwag nang intindihin pa ang kapalaran o mangyayari kay Juan. Pinaaalalahanan din tayo, na may papel na dapat gampanan ang bawat isa sa atin. Ang mahalaga’y magawa natin iyon nang lubos, sa abot ng ating makakaya. Ikaw ba ang pastol at tagapamuno katulad ni Pedro? O katulad ka ba ng minamahal na alagad na si Juan na nagsulat ng ebanghelyo at nagpatotoo kay Jesus sa pamamagitan ng buhay niya? Anuman ang iyong papel, ang mahalaga’y magawa mo ito nang may pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Tinatawag ka rin ni Jesus, kapatid/kapanalig.
Handa ka na bang sumunod sa tawag niya tulad ni Pedro at Juan?
Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint
Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19
I have always something to repent after having talked, but have never been sorry for having been silent.” These words came from St. Arsenius of Rome, who was known...
Published 07/18/24
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes
Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 1,39-56
Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24