Description
Mabuting Balita l Mayo 26, 2024 – Linggo
Dakilang Kapistahan ng Talong persona sa isang Diyos
Ebanghelyo: Mateo 28,16-20
Pumunta sa Galilea ang Labing-isang alagad, sa bundok na itinakda ni Hesus. Pagkakita nila sa kanya, sumamba sila, ngunit may nag-aalinlangan pa. At nilapitan sila ni Hesus at sinabi: “Ibinigay sa akin ang buong kapangyarihan sa Langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng bansa. Binyagan sila sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan sila na sundin ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Kasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng panahon.”
Pagninilay:
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Santisima Trinidad, ang Banal na Santatlo, ang pinakasentro ng ating pananampalataya. Naniniwala tayo na ang Diyos ay may tatlong Persona - Ama, Anak at Espiritu Santo, pero iisa lamang ang Diyos. Paano nating pinararangalan ang Banal na Santatlo? Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ni Hesus na gawing alagad ang lahat ng mga bansa. Ito ang tinatawag na Dakilang Komisyon
na binasa natin sa Mabuting Balita. Ito ang ating misyon bilang mga Kristiyano: na ibahagi ang ating pananampalataya sa Banal na Santatlo sa pamamagitan ng
ating mga salita at gawa, sa pamamagitan ng ating pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, sa pamamagitan ng ating pagsaksi sa buhay na banal, sa
pamamagitan ng ating pakikilahok sa buhay ng Simbahan. Mga kapanalig, ngayong kapistahan ng Banal na Santatlo, magpasalamat tayo sa Diyos sa kanyang dakilang
pag-ibig. Tumugon tayo sa kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating pag-ibig. At ipagdiwang natin ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating buhay.
-Fr. Rolly Garcia
Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint
Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19
I have always something to repent after having talked, but have never been sorry for having been silent.” These words came from St. Arsenius of Rome, who was known...
Published 07/18/24
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes
Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 1,39-56
Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24