Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes
Listen now
Description
Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,17-27 Isang tao ang patakbong sumalubong kay Hesus at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng walang hanggang buhay?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, wag makiapid, wag magnakaw, wag manirang puri sa kanyang kapwa, wag mandaya, igalang ang iyong ama’t ina. Sinabi sa kanya ng tao: Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?” Kaya tinitigan siya ni Hesus at minahal siya at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang pumasok sa Kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan.” Takang-taka ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi sa kanila ni Hesus: “Mga anak, napakahirap ang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.” Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.”   Pagninilay: Anuman ang imposible sa tao, sa Diyos, lahat ay maaaring mangyari. Ito ang nais kung bigyang-diin sa aking pagninilay. Ipinapaalaala sa atin na lahat ng nangyayari dito sa mundo ay nakikita ng Diyos. Totoong anumang gawin natin ay makakaapekto sa ating relasyon sa bawat isa, at sa lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa ating kalayaan, maaari tayong pumili ng ating desisyon. Harinawa ay isipin natin ang kapakanan ng higit na nakararami, kaysa sa pansariling kapakinabangan. Nalungkot ang taong nagtanong kay Hesus kung ano ang dapat pa niyang gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan noong marinig ang sagot niya. Winika kasi ni Hesus na ipagbili nito ang lahat niyang ari-arian at ipamigay sa mga dukha. Tayo po kaya, mga kapanalig, saan nakasalalay ang ating kaligayahan at kahulugan ng ating buhay? Sa kayamanang bumibilanggo ng kalayaan? O sa karukhaan sa materyal na bagay pero maayos ang relasyon sa Diyos at sa kapwa?    
More Episodes
Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19        I have always something to repent after having talked, but have never been sorry for having been silent.” These words came from St. Arsenius of Rome, who was known...
Published 07/18/24
Published 07/18/24
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24