Episodes
Walang kamayaw na pinaulit-ulit ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Pambansang Halalan 2022 na natamasa ng Pilipinas ang Golden Age ng ekonomiya noong panahon ng Batas Militar ng lumang administrasyong Marcos. Ngunit totoo nga bang Golden Age ito? At kung oo, para kanino ito golden? Suriin natin ang datos na makapagpapaliwanag sa kung paano hinubog ng neoliberalismo at kroniyismo ang ekonomiya sa ilalim ng diktadurang Marcos.
Batay ang episodyong ito sa mga sulatin ng ekonomistang si...
Published 03/31/23
Sabi noon ng pamilyang Marcos, walang mga aklat na naisulat o pelikulang nagawa hinggil sa karumal-dumal na diktadura ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ngunit napakaraming likhang-sining ang naging saksi at tumatayong daluyan ng pag-alala sa Batas Militar noong deakda '70 at '80. Kabilang na rito ang ilang mga aklat pambata na isinulat ng mga progresibong awtor upang ikuwento sa batang Pilipino ang isa sa mga pinakamalagim na punto ng ating kasaysayan. Ano-ano ang mga aklat na ito?...
Published 02/11/23
Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda. Kay haba ng pangalan ngunit tila kay ikli ng buhay. Talakayin natin ang ilang mga highlight sa tatlompu’t limang taong buhay ng isang manunulat, bayani, at dakilang henyo ng lahing Malayo.
Published 12/30/22
Noong 2014 sa Philippine Studies Conference sa Kyoto, Japan, nabatid na mayroong pagpihit sa direksyong tinatahak ng Araling Pilipino o Philippine Studies. Sa parehong kumperensya, pinukaw ng kritikong si Resil Mojares ang isipan ng mga Pilipinista gamit ang isang tanong: kung pumipihit nga ang Araling Pilipino, hindi ba dapat ay tanungin natin kung saan ito nanggaling bago alamin kung saan ito papunta? Alamin natin ang mga kuro-kuro ni Mojares, Virginia Miralao, at Cynthia Bautista hinggil...
Published 09/01/22
Ang Sali-saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng Araling Pilipino. Marami nang mga naisulat hinggil sa samot-saring kilusang panlipunan tulad ng sa paggawa, pesante, kababaihan, kabataan, at katutubo. Alam mo bang puwede itong maging paksa ng pananaliksik? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng mga kilusang panlipunan.
Published 08/13/22
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng Araling Pilipino. Tiyak na nakabasa ka na ng mga aklat, nobela man o pananaliksik, na isinalin sa wikang Filipino o Ingles. Alam mo bang puwede itong maging paksa sa pananaliksik? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Aralin sa Pagsasalin.
Published 08/12/22
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng Araling Pilipino. Babad ka ba sa radyo, telebisyon, social media, sinehan, mall, bar, lansangan, at iba pang daluyan ng kulturang popular? Marahil ay napukaw na ng mga ito ang interes mo. Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Kulturang Popular.
Published 08/11/22
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng Araling Pilipino. Interesado ka bang pag-aralan ang mga akda ni Rizal at iba pang bayani? Ang ideolohiya ng mga kilusang panlipunang makabayan? O ang iba’t ibang depinisyon ng bayan? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Araling Rizal at Pagkamakabayan.
Published 08/10/22
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng Araling Pilipino. Marami nang mga naisulat hinggil sa mga pangkat etniko at kaalamang-bayan sa Pilipinas at sa daigdig. Pinapaksa ng mga ito ang wika, kultura’t paniniwala, kuwentong bayan, at tradisyong pasalita. Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Araling Etniko at Foklor.
Published 08/09/22
Ano pa ba ang halaga ng mga araling erya at pangkultura (area and cultural studies) tulad ng araling Pilipino sa kasalukuyang panahon? Para kay Prop. Karlo Mongaya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, mainam suriin ang bisa ng araling Pilipino sa kontexto ng imperyo at ng pakikibaka ng mga Pilipino laban dito. Rak.
Published 04/21/22
Si Rizal ba ay repormista o rebolusyonaryo? Iyan ang kadalasang debate hinggil sa political na pagpoposisiyon ni Rizal. Masalimuot man ang hidwaang ito sa parehong mga iskolar at mga aktibista, malinaw para kina Jose Maria Sison, dating lider-kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas, at Tan Malaka, dating lider-kadre ng Partai Komunis Indonesia na subersibo si Rizal.
Hinalaw ang episode na ito mula sa mga sulatin ni Jose Maria Sison at “Hardin ng Tao” ni Tan Malaka na isinalin sa Filipino ni...
Published 12/10/21
Sino ba ang nagsusulat ng kasaysayan? Kaninong interes sumasalig ang naisulat? Ano naman kaya ang mga danas, ideya, at pangyayari na hindi binibilang sa "opisyal" na kasaysayan ng isang pangkat? Balikan natin kung paano ginamit ni Rizal at ng iba pang kasapi ng dakilang Kilusang Propaganda ang pagsasalaysay upang limihin at pahiwatigan ang kalayaan. Rak.
Published 05/06/21
Ano kayang masasabi natin sa kultura ng Pilipinas? Kung nakaangkla ito sa mga tunay ng relasyon ng tao, sa produksyon at praktika ng mga Pilipino, mababanaag ba sa kultura ang mga tunggalian, kontradiksyon, sigalot, at mga sakit ng ating lipunan? At kung gano'n man, paano kaya natin ito mababago, o mababanuhay, para sa interes ng mas nakararami? Alamin natin. Rak.
Published 05/06/21
Isang taon na mula noong ipinataw ang lockdown sa Pilipinas, ngunit tumataginting pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Second surge na tayo ngunit hindi pa tayo ever nakapag-#FlattenTheCurve. Quarantine pa rin ang sagot laban sa pagkalat ng virus. Patuloy din ang redtagging at crackdown laban sa mga aktibista.
Ngunit masasabi nating hindi lang COVID-19 response ang palpak noong nakaraang taon. Sipatin natin ang iniwang legacy ng rehimeng Duterte noong 2020. Pagkuwentuhan natin ang...
Published 03/28/21
Nabasa niyo na ba ang kuwentong "Ang Matsing at ang Pagong"? Napakarami na nitong bersyon at baryasyon, pero kung babalikan natin ang kasaysayan, masasabing si Jose Rizal ang nagpopularisa nito sa paglalathala niya ng kauna-unahang aklat pambata sa Pilipinas. Malaki ang papel ng pagsusulat at pagsasalin ng bayani sa pag-unlad ng natatanging anyong pampanitikan para sa mga chikiting. Rak.
Published 12/17/20
Noong panahong medyebal, ginamit ang berso upang ilarawan ang sakit na cancer absconditus, o "lihim na kanser." Ang kanser na ito ay lumalala sa bawat beses na magalaw ang mga namamagang bahagi ng katawan. Sa parehong palagay binabagtas ni Rizal ang kanser ng lipunan natin.
Pakinggan natin ang ilang tala tungkol sa sakit at panitikan mula kay Glenn Diaz, isa ring nobelista at may-akda ng The Quiet Ones. Kaugnay ito ng unang episode ng Anong Kuwento Natin? na podcast nina Glenn at Egay Samar....
Published 12/14/20
Komplikado ang usapin ng wika at kasarian, at lalo itong magbubuhol-buhol sa realisasyong napakaraming wika sa ating bansa at maaaring nagkakaiba ang kanilang pagsasalarawan ng identitad, oryentasyon, at ekspresyon. Para sa salaysayang ito, magbabahagi ang isang sosyolohista sa kaniyang karanasan sa pananaliksik kasama ng mga miyembro ng sektor ng LGBT gamit ang wikang kinalakihan nila. Pakinggan natin ang kuwento ni Ash Presto, instruktor sa Departamento ng Sosyolohiya sa Unibersidad ng...
Published 12/06/20
Bagaman kinikilala ni Rizal ang mahalagang papel ng kababaihan sa pagbabagong panlipunan, limitado ang kaniyang peminismo ayon sa maraming kritiko. Gayunman, maaari nating balikan ang mga karakter tulad ni Pepay sa El Filibusterismo. Maipapakilala niya kaya tayo sa mga rebolusyonaryong babae noong ika-19 dantaon? Rak.
Published 11/28/20
Ang wikang Filipino ay maaaring maging wika sa teorya at praktika ng inhenyeriya. Nagbubunsod ng tunggalian sa pagitan ng propesyonal na inhenyero at mga manggagawa ang dikotomiya ng Filipino at Ingles, na reipikasyon naman ng tunggalian ng mga uring panlipunan.
Makakasama natin ngayon ang isang inhenyerong mekanikal na nabatid ang naturang tunggalian sa pakikisalamuha niya sa mga manggagawa at karpintero na sa katunayan ay mga organikong eksperto sa inhenyeriya. Pakinggan natin ang mga...
Published 11/18/20
Handa ba ang wikang Filipino sa pagiging wika ng agham, matematika, at teknolohiya? Siguro, mas magandang itanong kung handa ba tayo na palawakin at palakasin ang sariling wika sa naturang domeyn. Pasinayahan natin ang rebolusyong intelektwal tungo sa agham para sa lahat! Rak.
Published 11/16/20
Nasa wika ang susi para sa pag-unlad ng antas ng edukasyon ng bawat Pilipino, kaya naman dapat ito ay nagmumula sa sariling batis ng kaalaman at tiwalag sa absolutong pananalig sa mga dayuhang tradisyon ng kaalaman. Pag-usapan natin kung ano nga ba ang hangarin ng intelektwalisasyon ng wika, at kung ano ang maaring maging ambag ng “semantic elaboration” dito. Rak.
Published 10/28/20
Ang “edukasyon” ay nangangahulugang “pagkamulat.” Papaanong matatawag na “edukado” ang marami sa atin kung binubulag tayo ng sistema ng edukasyong meron tayo? Pakinggan ang lektyur ni Macky Salvador, na guro ng wika at panitikan sa Pamantasang De La Salle - College of St. Benilde. Umusbong ang kaniyang kolum mula sa mga sanaysay na "Ang Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino" ni Renato Constantino at “Mga Lingguwistik na Ilusyon sa Pilipinas” ni Ernesto Constantino.
Published 10/26/20