Description
Walang kamayaw na pinaulit-ulit ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Pambansang Halalan 2022 na natamasa ng Pilipinas ang Golden Age ng ekonomiya noong panahon ng Batas Militar ng lumang administrasyong Marcos. Ngunit totoo nga bang Golden Age ito? At kung oo, para kanino ito golden? Suriin natin ang datos na makapagpapaliwanag sa kung paano hinubog ng neoliberalismo at kroniyismo ang ekonomiya sa ilalim ng diktadurang Marcos.
Batay ang episodyong ito sa mga sulatin ng ekonomistang si Sonny Africa, at datos mula sa IBON Foundation at Martial Law Museum.
Kabilang ito sa mini-seryeng "#NeverForget." Nilalaman nito ang ilang lektyur hinggil sa wika, panitikan, kultura, at lipunan sa ilalim ng Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.