Pagmumulto ng Batas Militar sa Panitikang Pambata #NeverForget
Listen now
Description
Sabi noon ng pamilyang Marcos, walang mga aklat na naisulat o pelikulang nagawa hinggil sa karumal-dumal na diktadura ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ngunit napakaraming likhang-sining ang naging saksi at tumatayong daluyan ng pag-alala sa Batas Militar noong deakda '70 at '80. Kabilang na rito ang ilang mga aklat pambata na isinulat ng mga progresibong awtor upang ikuwento sa batang Pilipino ang isa sa mga pinakamalagim na punto ng ating kasaysayan. Ano-ano ang mga aklat na ito? Bakit kinakailangang matutunan ng mga bata ang politika't katotohanan ng Batas Militar ni Marcos? Alamin natin. Kabilang ito sa mini-seryeng "#NeverForget." Nilalaman nito ang ilang lektyur hinggil sa wika, panitikan, kultura, at lipunan sa ilalim ng Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.