Episodes
Institusyonalisado man ang pagkabayani ni Rizal, samot-sari na ang tumuligsa, tumawad, nagdagdag, nagbawas, at sumipat sa kaniya. Patunay lamang ito sa masalimuot na pag-aankop sa bayani sa harap ng mga pagbabagong panlipunan. Pagkuwentuhan natin ang ilang matitingkad ng bahagi ng "debate of the century" noong ika-20 dantaon. Sanggunian: Nilo Ocampo, "Pagtuligsa, Pagbawas, at Muling Sipat kay Rizal Bilang Bayani."
Published 10/25/20
Bakit? Dahil pambihira siya! Sipatin natin ang ilang mahahalagang aral sa buhay mula sa kaniyang talambuhay. Halaw ang episode na ito sa sanaysay na "Ano ang Saysay ni Rizal sa Kabataan Ngayon" ni Cerise Crudo-Guerrero. Rak.
Published 10/12/20
Ano ang relasyon ng kultura at produksyon? Simulan natin ang ating paglapit sa materyalismong dayalektikal ni Karl Marx kasama ang Institute of Nationalist Studies (INS).  Sa episode na ito, magbabahagi ng isang sanaysay si Lance Espejo, propesor sa Departamento ng Araling Sining ng Unibersidad ng Pilipinas at kasulukuyang tagapangulo ng INS. 
Published 10/05/20
Bakit nga ba umuusbong ang iba’t ibang baryason ng wika? Anong mga penomenong espasyo-temporal ang sangkot sa patuloy at malikhaing pagbabago ng mga wika? Alamin natin ito kasama ni Jeconaiah Dreisbach, isang sociolinguist at mananaliksik sa antas doktoral sa Universitat Oberta de Catalunya. Rak.
Published 10/04/20
Mayaman ang Pilipinas, ngunit dahil sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo, naghihirap ang mga Pilipino. Tatalakayin ng episode na ito ang isang mahalagang bahagi ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino na may tuon sa IPBK--ang tatlong "ugat ng kahirapan." Rak.
Published 09/25/20
Paano nga ba umusbong ang mga problema na hinaharap ng lipunang Pilipino? Pinapatampok sa episode na ito ang isang malaking bahagi ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Papasadahan dito ang kasaysayan ng Pilipinas sa perspektiba ng pananakop at pag-aklas. Rak.
Published 09/25/20
Bakit nga mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang mga Pilipino? 'Yan ang sinusubukang sagutin ng unang bahagi ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Sa episode na ito, ipapaliwanag ang mga iba't ibang uring panlipunan sa Pilipinas. Rak.
Published 09/25/20
Mga batayang konsepto...at problema sa pag-aaral ng wika at pagsasakahulugan. Rak.
Published 09/21/20
Ano ba ang realismo bilang isang kilusang pampanitikan? Paano ito ginawang balangkas ni Rizal sa kaniyang dalawang nobela upang isiwalat ang pang-aapi ng mga kolonisador? Alamin natin. Rak.
Published 09/20/20
Bakit nga ba tinaguriang sentro ng mga Inglesero ang Pilipinas? Pag-usapan natin kung paano ito naging bahagi ng neoliberal na opensiba sa edukasyon. Rak.
Published 09/15/20
Humalaw tayo mula kina Anderson, Hau, Garcellano, atbp. upang machekirawt ang ugnayan ng nobela at bansa, mula sa genesis hanggang sa pagtuligsa ng huli. Rak.
Published 09/14/20