Description
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes
Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 1,39-56
Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa
sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang
bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa
tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa
mga sali’t-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak.
“Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy naming walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
Pagninilay:
Sa pagmamadali kong umuwi, nakalimutan ko ang pangako ko sa aking pamangkin. Pagdating sa bahay ng
aking kapatid, patakbong yumakap ang pamangkin ko at tuwang-tuwang nagtanong – “Uncle, where is my donut?” Naku, halos matunaw ako sa hiya dahil wala akong
dalang donut. Sabi ko na lang sorry at bukas ko na lang bibilhin kasi nalimutan ni uncle. Laking gulat ko nang ngumiti ang aking pamangkin at niyakap akong
muli, sabay sabing, “It’s OK uncle. But tomorrow it’s already 2 boxes”. Mga kapanalig, sa Mabuting balita ngayon, nagmamadali si Maria upang dalawin si Elisabet na kanyang pinsan. Nagmamadali sapagkat dala-dala niya ang Mabuting Balita sa kanyang sinapupunan. Hindi niya
ito makakalimutan sapagkat napakalaki at kagila-gilalas ito, na tiyak na ikamamangha ni Elisabet, na nakaranas din ng himala sa kanyang pagdadalang-tao. Pareho ang
dumalaw at dinadalaw na may pasalubong sa bawat isa. Pareho nilang tangan sa kanilang puso at sinapupunan ang Mabuting Balita, at ang tinig na maghahanda ng
daan para sa Mabuting Balita. Parehong nanalig sa kapangyarihan ng Diyos at naging bahagi sa plano ng kaligtasan ng sanlibutan, ang magpinsan. Sa kanilang pakiki-isa at pagtugon sa Diyos nasimulan ang daan sa pangakong kaligtasan. Kapanalig, Paanyaya ito sa atin na makiisa at magmadali rin sa pagbabahagi ng Mabuting
balita sa ating kapwa, na naghihintay marinig ang tinig at plano ng Diyos sa buhay nila. Nawa’y huwag nating malimutan ang tunay at nakasasabik na pasalubong para sa kanyang bayan – ang wagas na pagmamahal at walang hanggang awa at biyaya ng Diyos. Amen.
Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint
Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19
I have always something to repent after having talked, but have never been sorry for having been silent.” These words came from St. Arsenius of Rome, who was known...
Published 07/18/24
Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes
Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon
Santa Juana ng Arco
Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52
Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n’ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa...
Published 05/29/24