Episodes
(VIDEO) So eto na nga ang fearless forecast… we’re back for another season! Mag-align kaya ang mga bituin… at ang mga sked nila for more eps this year? Abangan! Basta lagi nyong tatandaan na ang mga bituin ay gabay lamang. Meron tayong free will, gamitin natin ito. Cheka! BTW, happy anniversary, Team Abangers! Get ready for more ngayong 2024! Stream na, now na!
Published 02/05/24
(VIDEO) So eto na nga… Merry Christmas, mga mhie! In this very special episode, all good things must come to an end kaya naman hatid namin ang year end special at season 3 finale! Sabay-sabay tayong mag-look back to the year that was 2023 at mag-look forward to more this coming 2024! We do not know what the future holds but right now, we would like to thank you all for joining us in this fun ride. We appreciate you all! Happy Holidays! 3
Published 12/25/23
(VIDEO) ’Tis the season for reunions! Kaya naman, reunited ang mga ante nyo for a fresh episode after x weeks due to insistent public demand! Cheka! Let’s hear it from the perennial single person in the fam, darling of the crowd, at most beloved pamangkin/pinsan sa masaya at minsan cringey holiday get togethers! Good luck na lang sa mga kuan! LOL. Stream na, now na!
Published 12/18/23
(VIDEO) Surprise! Na-miss nyo ba kami? At dahil life is happening recently, hindi pa kami makapag-record hahaha BUT here’s a special behind-the-scenes highlights from previous episodes. Hope you guys enjoy this! See ya when we see ya!
Published 11/27/23
(VIDEO) Anong pinapanood nyo lately? What’s on your playlist? Anong nasa “To Be Read” pile mo? We gotchu covered, mga mhie! Let’s get into a very casual chikahan ng mga recommended stuff ng mga ante nyong walang ginawa kundi mag-consume ng content… as if our opinions matter! Eme! Instead of spewing hate, here’s an hour long bula bibig session of us talking about things we love! Hope you find something good. Enjoy! Stream na, now na!
Published 11/06/23
(VIDEO) #NarinigMoBa ang latest chika? Halloween szn na mga, bhie! Kung laking MGB (Magandang Gabi Bayan) ka like us, para sayo ang episode na ito! Oras na para mag-takutan with stories that’ll make your skin crawl! Eto na ang mga makapanindig-balahibong supernatural stories from white ladies na umaakyat ng hagdan to mumu na naglalakad sa yero hanggang sa mga school na lagi na lang rumored na dating sementeryo. We recommend na i-stream mo to with someone. You’ve been warned! LOL! Happy...
Published 10/30/23
(VIDEO) Calling all the members of the work force! Today, dinededicate namin ang episode sa mga alipin ng salapi, TV Production Edition. At dahil alam naming miss nyo na ang mga Prod Life content, ipapakilala namin sa inyo ang mga naging katrabaho naming… (insert description here). Dahil tunay na makulay ang buhay sa prod, meet the different personalities na nakasalamuha namin through the years. Tara na, mag-yosi break muna kayo at makinig na! Stream na, now na!
Published 10/23/23
(VIDEO) Happy Monday, mga mhie! Ready na ba kayo maging main character sa sarili nyong music video habang naglalakad sa Lawton underpass? Turn up the volume dahil for today’s fresh episode, music brings back memories bring back you. Kinanta mo? Lol! Humanda nang maki-sing along na may konting reminiscing with some of the nostalgic songs na tumatak samin. Stream na, now na!
Published 10/16/23
(VIDEO) Gulatin nyo sila mag-upload kayo ng fresh episode after 2 weeks! LOL. Gaano katagal ang recovery nyo sa hangover? Usapang susuka pero hindi susuko! From hangovers to hang ups real quick! In true So Eto Na Nga fashion, let’s unpack feelings from drunken morning afters to the unfortunate state of the nation! O di nyo kaya! The system is shaking! Stream na, now na!
Published 10/09/23
(VIDEO) So eto na nga, welcome to our home away from home… Liwliwa, Zambales! Kwentuhan tungkol sa moving on! Single ka ba? Broken? Burnout? If that’s a yes, yes, and yes… eh di go, go, go na at makinig sa relatable stories that made us say - AMANACAYO! ALIS NA KO DITO! MOVE ON NA! Medyo napalaban kami sa english ha! It’s the Alfonso talking! LOL! Enjoy listening at laging tatandaan, kung anuman ang pinagdadaanan mo… PADAYON! Stream na, now na!
Published 09/18/23
(VIDEO) Calling all main characterz! Do you feel the need to emote and relate sa mga pelikulang pinapanood nyo? Sinasalamin ba nito ang tunay na buhay? Pwes! This episode is for you! Let’s talk movies and its powerful impact to us as writers and people na maraming feelings. Life is like a movie at ikaw ang bida so make the most out of it! Likaaa na. Stream na, now na!
Published 09/11/23
(VIDEO) O wag sasama ang loob nyo mga siiizt! Babawi kami sa absent last week. Ang tanong, swerte ka ba o malas? Minsan kapag kin*nt*t ka ng malas, mapapatanong ka na lang sa Universe ng: “Inaano ba kita?!”. Channeling our inner Zenaida Zeva & Master Hanz, pagusapan natin ang mga Mercury Retrograde moments! Kung anuman ang haharapin mo, lagi mong tatandaan… M.A.L.A.S.! HAHAHAHAHA! Good luck! Stream na, now na!
Published 09/04/23
(VIDEO) In our most chaotic episode yet, kilalanin ang aming tatlong live audience! LOL! Welcome to Brezh Fresh's hitad era at mag-reminisce tayo ng life sa bottom of the food chain ng production! Para to sa mga interns na pinag-photocopy, na-scam, at nabigyan ng chance mag-shine! Heto ang tip para sa mga students and students of life: wag magpa-intimidate, mga beshie! Sa internship at sa buhay in general! Kaya nyo yan! In the meantime, O-J-T! Opkors Just Try! HAHAHAHAHA! Balakayojan! Stream...
Published 08/21/23
(VIDEO) Babasagin na namin ang aming katahimikan... kimmy! Most memorable taping stories. Balikan natin ang Birth of Ulam Reveal ni Ces. Kilalanin ang stalker ni Gian. Sino kaya ang nakalandian... este nakabonding ni Brezh sa after party ng seasonal shows? It's the tengga that brings us together, mga mhie! May bonus pang blind item. Stream na, now na!
Published 08/14/23
Hola Dora! Makikilala mo kaya kung sinu-sino ang mga artistang nagbigay-kulay sa ilang unforgettable backpack shoots namin? So eto na ngaaa bibigyan namin kayo ng mga inside chika kung ano ang nangyayari sa mga on-location shoots – writers’ POV! Sino sa prod ang laging nagc-clash tuwing may shoot sa labas? Bakit may mga subject na hindi marunong sumagot sa tanong? Sino itong writer na ‘to na sunog acting ang training sa backpack kaya nadala sa totoong buhay? It’s the Season 2 Finale, mga mare!
Published 08/07/23
(VIDEO) Bakit nga ba kasi hindi nakapasok sa audition yung viral na ate? For today’s fresh episode, wag na magpahuli at baka pulutin ka sa kangkungan! Insider chika kung paano nga ba binubuo ang mga shows na pinapanood nyo. Ano ba yang seasons na yan at umabot sa season 27 ang Daisy Siyete? Scripted nga ba ang PBB? Bakit ba lagi sa warehouse yung barilan? Niroromanticize nga ba ng TV ang kahirapan? Ang dami namang tanong! Ta-try namin sagutin yan in this nakakatalinong episode. Mindset ba,...
Published 07/31/23
(VIDEO) Cuddle weather o hassle weather?! Tag-ulan na naman! Ang episode na ito ay para sa mga beshie namin na sumuong sa baha at least once in their lives. Sino tong muntik nang ma-Titanic sa R. Papa? Eh yung niraket pati yung baha? How about yung pumapasok sa work na basa ang kalahati ng katawan? Chikahang baha na napunta sa global warming, industrialization, at pulitika - BREZHNEV 4 COUNCILOR! Hahaha Dami na naman namin nasabi. LOL! Mabuti pa, i-stream mo na, now na!
ALSO! Belated...
Published 07/24/23
Ang mga kekisaur, still on a Sparks Camp high kaya naman
agad-agad kaming nag-banlaw right after mapanood ang season finale ng kauna-unahang queer dating reality show! Sino’ng na-Bong Gonzales na sa inyo? May dine-date ka ba ngayon pero wala kang nararamdamang spark sa kanya? Gaano nga ba talaga kasakit ang hindi mapili? Samahan niyo kami dahil ungakatan na naman ng past sa episode na ‘to where all feelings are valid kaya ok lang magpaka-vulnerable mga mhie!
Published 07/17/23
(VIDEO) A wise person once said, “Ang love hindi iniimpose! Ini-earn yan!” If you know, you know! *wink* Mahirap nga ba mahalin ang Pilipinas? Bakit palautos ang new campaign ng DOT? It’s more fun pag-chikahan ang tourism ng bansa plus our travel mishaps and core memories! Stream na, now na! Love, your travel buddies!
Published 07/10/23
(VIDEO) Usapang network wars ang mga beshy ko. Bakit ba Unang Hirit lang ang naririnig sa looban nila Brezh tuwing umaga noon? Dahil ba sa Mara Clara supremacy o cable TV kaya solid Kapamilya si Ces? Bakit malapit sa puso ni Gian ang pagbabalik ni Ate Reg sa ABS? Hindi magkakasiraan ng friendship for today’s videyow! Join na sa mainit na debate! Stream na, now na!
Published 07/03/23
Hello, mga Kekisaur! Kasabay ng pagiging invested namin sa newest BL dating show na #SparksCamp, napunta na tayo sa usapang RED FLAGS! Masasabi bang red flag kapag intense at control freak? Eh kung madaling mag-sawa? O di kaya yung ma-pride? It's a "Mornings With Popoy" reunion with our very special guest! Join na sa chikahan, all rise para sa Red Flag raising! Kimmy! Stream na, now na!
Published 06/26/23
(VIDEO) Happy Pride, mga sizt!!! In our most woke episode yet... kimmy! Isang pagbibigay-pugay sa mga kapatid nating sa LGBTQIA+ community. Let's celebrate each others individuality and embrace everyone's colorful uniqueness. We see you, we hear you, we love you! 3
Published 06/19/23
THE VIEWS AND OPINIONS OF THE GUESTS DO NOT REFLECT THE VIEWS AND OPINIONS OF THE HOSTS AND THIS PODCAST… KIMMY!
Celebrity encounters naman ang chikahan dito sa part 2 ng Writing Galing reunion also know as the BLEEP episode. LOL! Apaka daming bleep?? More laglagan and reminiscing ang hatid ng kwentuhang prod life war stories that made us. Stream na, now na!
Published 06/12/23
THE VIEWS AND OPINIONS OF THE GUESTS DO NOT REFLECT THE VIEWS AND OPINIONS OF THE HOSTS AND THIS PODCAST… KIMMY!
Kantawanan na! Meet the Writing Galing - ang Sing Galing Multiverse Creative Team! Nakaka-disorient nga ba na headwriter si Brezh? Anong ginawa ni Ces para mag-flash ang buhay ng writers before their eyes? Hindi nga ba na-brief ni Gian ang host? Join na sa catch up, laglagan, at reminiscing ng talented creatives ng Sing Galing! Stream na! Now na!
Published 06/05/23
Ano'ng klaseng estudyante ka? Are you the best friend ng bayan? Are you the bida-bidang classmate na nagre-remind sa teacher ng "Ma'am di ba may quiz tayo ngayon?!" Or are you the chonang achiever kaya binully ng mga classmate pero hindi ka nagpatinag dahil ikaw ang main character sa mala-teleseryeng buhay mo noong High School? We're sure na makaka-relate ka kaya pakinggan ang mga kwentong estudyante blues who made us who we are today! Plus! Maraming visual inserts dahil laglagan na ito! Gow!
Published 05/29/23