Episodes
Bilang season finale naman namin 'to, pag-usapan natin ang mga what might have been natin sa buhay.  Ano ang mga pwedeng mangyari kung hindi eto ang mga desisyon na pinili mo. Sino ka ngayon, ano ka ngayon, nasan ka ngayon.  Tama nga ba ang mga desisyon natin? Proud ba tayo sa kung nasaan tayo ngayon? Alamin yan sa season finale ng The Comfort Room! #TCRPornstar
Published 09/01/22
Takot ka ba sa multo? Wag kang mag-alala usapang "ghosting" lang 'to! Memories, mga tao, at past experiences lang ang pag-uusapan natin. Hindi nakakatakot, pero pwedeng nakakakilabot! Striktong patnubay at gabay kung na-ghost ka na ka-Jebs!  Pero 'wag nyo kaming i-ghost sa episode na to ah! Tara usapang multo tayo. #TCRMulto
Published 08/25/22
Mga Ka-Jebs! Masusubukan ang kapal ng mukha mo sa bagong episode na'to!  Minsan ka na ba naging walang hiya at talagang lakas ng loob lang ang puhunan mo? Hindi ka nag-iisa dahil siguradong relate ka sa experiences namin! Kaya sumama ka na sa usapang kapal ng mukha!  Makinig ka na sa latest episode ng The Comfort Room! #TCRKapal
Published 08/18/22
MGA KA JEBS! Here's another episode na marami ang makaka relate! USAPANG TANGA tayo, pero this time in general! Nasabihan ka na ba ng tanga? O may sinabihan ka na ng tanga? Lahat naman tayo ay may tanga moments in life pero relate ka kaya sa mga tanga experiences namin? O ibang level yung sa'yo? AH BASTA! Usapang tanga ang episode natin na'to sa The Comfort Room! #TCRTanga
Published 08/11/22
HOY! Ikaw! Oo, ikaw! Masyado ka yatang komportable diyan? Kung sa bagay, The COMFORT Room naman ang title ng podcast, edi iliteral na natin! Napa-isip kasi kaming dalawa... Sa tagal naming magjowa, paano ba namin mapapatunay na totoong komportable na kami sa piling ng isa't isa?  Kaya ayun, binalikan namin 'yung araw na nakita ni Kim ang kweba ni Adan at 'yung istorya ng dual purpose na pang-ahit...  Nacurious ka 'no? Isa lang ang ibig sabihin niyan: it's time to relax, get...
Published 08/05/22
Mga ka jebs! Sa mahal ng bilihin ngayon mahirap ng tumawad. Pero alam niyo kung ano ang mas mahirap? Ang magpatawad!  To what extent mo nga ba kayang magpatawad? Kaya mo bang mag forgive and forget or hanggang forget the person ka na lang?  Usapang no judgment dito ka-jebs! Dahil forgive man or forget, for the gets ka namin dito sa The Comfort Room! Pwede rin kayong sumali sa usapan! Just tweet us using our hashtag for this episode: #TCRSorryNa
Published 07/28/22
Mga ka-jebs, kung hindi ka ikaw... ano ka? Usapang 'what ifs' tayo for today's podcast! Iniisip niyo rin ba minsan na sana ibang tao na lang kayo? Iniimagine niyo ba ang sarili niyo na nasa ibang career? O kaya, may mga times rin ba na gusto niyo na lang maging paso? We can relate! Tara, isa-isahin natin ang variants natin sa multiverse! Libre lang naman mangarap, 'di ba? Kayo ba, ano sa tingin niyo ang buhay niyo sa alternate dimension? Tweet us your answers using the hashtag,...
Published 07/22/22
Mga ka-jebs, usapang LIVE IN... ARE YOU IN OR OUT?  Pros and cons sa buhay live in, mula mismo sa magka live in! Yours truly, Kim and Je!  Usapang walang ebas, 100% legit and wagas. Because living together isn’t all fun and games, pero dito sa The Comfort Room, pag uusapan natin ‘yan nang game na game! May gusto ba kayong sabihin sa’min? Just tweet us using the hashtag, #TCRLiveInGanon
Published 07/14/22
EX... with benefits? Payag ka ba kung ang karelasyon mo ay may relasyon pa rin sa ex niya? Pero as a friend lang, ha! Wala naman sigurong masama kung magiging magkaibigan ang dating magka-ibigan... orrr deliks ba tayo diyan? Naku, parang nangangamoy away 👀 Tiyak na marami nanaman kayong sasabihin at icocomment sa issue na 'to kaya 'wag niyo nang patagalin, just press that play button, mga ka-jebs! Sa mga may ebas din diyan, tweet niyo lang kami! Ang hashtag natin for today's podcast ay...
Published 07/07/22
Mga ka-jebs, magtatapat na kami… EME! Pero ‘yan ang pag-uusapan natin this episode! Paano ba umamin?! Paano mo sasabihin kay crush na crush mo siya? Paano mo i-oopen up sa jowa na nahihirapan ka na? Paano aamin sa boss mo na ikaw ‘yung umutot sa elevator??? Ano, game?! Bawal ang na-iilang dito! Kaya nga The Comfort Room e!
Published 06/30/22
Hindi naman kami single, at mas lalong hindi kami bitter! Pero para sa next episode ng The Comfort Room, usapang TANGA tayo! Mga relationship rules na MUKHANG TANGA AT NAKAKATANGA ang sentro ng talayakan natin mga ka-jebs! 💩 Kung nag celebrate ka na ng weeksary o nag send ng selfie na nakayakap sa electric fan, pasok ka sa usapan! Pero kung hindi, makinig at nang maiwasan! Pakiusap 'yan, hindi demand!
Published 06/23/22
Mga ka-jebs! 💩 May mga kumakalat na balita! Pero hindi ito maling akala! Pero pwede din naman? Dahil sa pangalawang episode natin, USAPANG MALING AKALA naman ang ating babanatan! Sabay-sabay tayong mag take ng trip down memory lane sa aming mas pinariot at mas pina-fun na second episode! Pasok na sa THE COMFORT ROOM!
Published 06/16/22
Tabe! Tabe! At siguradong maraming tatamaan! Andito na ang KimJe para sa kwentuhang may kabuluhan!  Sa unang episode mabigat agad ang kalaban, usapang CHEATING! Kaya sa mga naloko, nanloko, may plano pa lang manloko o mukhang loko-loko, pasok kayo dito! Kwentuhang banyo, at your comfort! Nandito na ang THE COMFORT ROOM.
Published 06/09/22
Handa ka na bang maghubad at maglabas... ng sama ng loob? Eto na ang THE COMFORT ROOM, ang podcast ni Kim Molina at Jerald Napoles! Sabay sabay tayong magflush ng bad vibes!
Published 06/07/22