Episodes
Maraming aral ang pwedeng maituro ng matatanda. Nasa tao na lang kung makikinig siya sa payong binigay sa kanya o ililihis ang gawa. Caregiver ni lolo Fonso sina Delia at Allan at sa mga panahon na silang tatlo ay magkakasama, maraming naibahaging karanasan sa buhay si lolo Fonso dahil araw-araw nilang binabasa ang diary ng yumaong asawa ni lolo. Pakinggan ang kwento ni Delia at Allan sa Barangay Love Stories. 
Published 04/29/24
Published 04/29/24
May mga bagay na kaya mong palampasin kapag gumawa ng mali ang kapatid mo. Pero kapag sa iba na niya ito ginawa, kahit papaano may responsibilidad kang pagsabihan ito. Mahal na mahal ni Wendel ang nag-iisa niyang kapatid, bilang kuya kaya niyang magsakripisyo para kay Darwin. Pero hinding-hindi kukunsintihin ni Wendel ang panlolokong ginagawa ni Darwin sa sarili nitong girlfriend. Pakinggan ang kwento ni Wendel sa Barangay Love Stories. 
Published 04/22/24
Katulad ng marami, sinubukan ni Matt na makipagsapalaran sa Maynila sa pag-asang kikita siya nang mas malaki rito. Pero kakarating pa lang niya sa siyudad at wala pa nga siyang nahahanap na trabaho ay nadisgrasya agad si Matt! Pakinggan ang kwento ni Matt sa Barangay Love Stories. 
Published 04/15/24
Ilang buwan nang hindi nakakabayad sa upa si Arthur kaya halos araw-arawin ni Ms. Connie ang paniningil. Hindi naman pasaway na tenant si Arthur, mahirap lang talaga ang buhay dahil pandemic. Kaya nang may dumating na bagong uupa, malaking ginhawa ang naramdaman ni Ms. Connie. Ang hindi alam ni Arthur, isang malaking ginhawa rin iyun para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Arthur sa Barangay Love Stories.
Published 04/08/24
Masarap sa pakiramdam ang mga kaibigang katulad ni Art, maaasahan at lagi kang dadamayan sa anumang iyong pinagdaraanan. Pero si Raymond, walang balak suklian ang katapatan ng kanyang kaibigan. Pakinggan ang kwento ni Art sa Barangay Love Stories. 
Published 04/01/24
Dalawang sugatang puso, tuturuan ang isa't-isa na umibig muli. Pero sapat ba ang kanilang mga oras o kailangan nang magmadali? Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. Episode 368: "Mahal Kong Buwan" Episode 369: "Aking Araw" Episode 370: "Pinagtagpong Bituin" Episode 371: "Kalangitan"
Published 03/29/24
Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories. Episode 360: "Invisible String" Episode 361: "Chance Encounter" Episode 362: "Falling Apart" Episode 363: "Together Again"
Published 03/28/24
Bilang apo ni Sol at Luna, malaki ang pagmamahal ni Estrella sa kanyang lolo at lola dahil sila rin ang tumayong magulang niya nang nawalan siya ng magulang. Kaya sinikap niya talagang maging isang nurse upang pagdating ng panahon, siya naman ang mag-alaga sa kanyang labs na labs na lolo Sol at lola Luna. At sana may panahon pa para doon. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. 
Published 03/25/24
Sa wakas ay nagkita rin si Sol at Luna. Naging magkaibigan silang dalawa hanggang sa nahulog ang dalaga sa binata. Pero si Sol, hindi pa raw nakakamove-on sa kanyang first love. Kaya ang BFF ni Luna, to the rescue! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Published 03/18/24
Bihira lang makahanap ng kaibigang totoo na sasamahan ka sa kahit anong hamon ng buhay. Kaya nang magkagusto si Luna at Patricia sa iisang lalaki, hindi nagdalawang-isip si Luna na magpaubaya. Dahil para kay Luna, mas mahalaga ang pagkakaibigan nila ni Patricia kaysa sa nararamdaman niya para sa binata. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Published 03/11/24
Ang mayayaman ay ginawa raw para sa kapwa nila mayayaman. Kaya ang mga hikahos na tulad ni Sol ay hinding-hindi makakapiling ang mga kagaya ni Belen - ang babaeng matagal na niyang gusto. Pero kung kailan desidido na si Sol na kalimutan ang dalaga, ay saka niya naman malalaman na mukhang may pag-asa pa pala siya! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Published 03/04/24
Isang pangyayaring masakit sa tiyan ang magtutulak kay Angel or Angelito na magpanggap bilang isang beki. Dito niya makikilala ang future muse niyang si Star na verbally abused ng jowa. Kaya si Angel, makeover ang goal para sa alipin-ng-pag-ibig na si Star. Pakinggan ang kwento ni Angel sa Barangay Love Stories.
Published 02/26/24
Sa una lang masaya ang isang relasyon. Ganyan ang pakiramdam ni Yuri dahil ang kanyang boyfriend na si Aries, iba na ang kinikilos tuwing magkasama sila. At ang mas masakit pa, mukhang may iba nang nagpapakilig at nagpapasaya kay Aries kahit sila pa ni Yuri. Pakinggan ang kwento ni Yuri sa Barangay Love Stories.
Published 02/19/24
Upang mabawasan ang malaking bayarin ni Demi sa kanyang inuupan, naghanap siya ng uupa rin sa kanyang extra room. Dahil diyan, naging housemate niya ang happy and jolly na si Lucky. Mabilis niya itong naging kaibigan at katuwang sa bahay. Hanggang sa kinailangan ni Lucky ng ipapakilalang girlfriend sa kanyang pamilya kaya ito namang si Demi, kusang-loob na inoffer ang sarili. Pakinggan ang kwento ni Demi sa Barangay Love Stories.
Published 02/12/24
Alam ng buong barangay na gusto ni Kano si Jelay. Pero alam din ng lahat na ayaw ng dalaga kay Kano. Nang minsang makulitan si Jelay kay Kano, pinayagan niya itong manligaw kapalit ng maraming kondisyon. Ngunit hindi inaasahan ni Jelay na gagalingan ni Kano ang pagtupad sa mga kondisyong kanyang binigay. Pakinggan ang kwento ni Jelay sa Barangay Love Stories.
Published 02/05/24
May mga ginawang desisyon si Blessy na lubos niyang pinagsisisihan. Pero kahit gaano pa siya magsisi ay hindi na niya mababalik ang panahon. Mabuti na lamang ay hindi siya iniwan ng mga mahal niya sa buhay pati na ng best friend niyang si Jessa. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Published 01/29/24
Lahat ng relasyon ay dumaraan sa mabigat na pagsubok pero paano kung ayaw na ni Blessy ng karamay sa kanyang pinagdaraanan? Walang makakaalam sa sakit na nararamdaman ng isang ina kapag nawala ang kanyang anak ngunit imbes na magdamayan ay mas pinili ni Blessy na lumayo sa lahat pati sa asawa niyang si Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Published 01/22/24
Kailangan ba talaga ng bagong mamahalin para makalimot? Hindi nagawang makapagtapat ni Blessy sa taong iniibig niya at ngayong nagmo-move on na siya, gusto na siyang ireto ng BFF niya sa iba para umusbong na raw ang love life ni Blessy nang bigla naman siyang makita ulit ni Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Published 01/15/24
Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Published 01/08/24
From childhood best friends, to childhood sweethearts, hanggang sa naging official na nga ang relasyon nina Eddie at Clara. Walang ibang gustong mangyari si Eddie kun'di ang pakasalan at tumandang kasama ng kanyang greatest love na si Clara. Pero kahit gustuhin rin ito ni Clara, iba ang plano ng tadhana. Pakinggan ang kwento ni Eddie sa Barangay Love Stories.
Published 01/02/24
Walang hanggan ang pagmamahal ni Ernesto, isang single father, sa kanyang mga anak na babae. At tulad ng ibang magulang, kailangan niya pa rin itong disiplinahin upang hindi sila maligaw ng landas. Pero sa pagtibok muli ng kanyang puso, mukhang ito pa ang makakasira ng relasyon nilang mag-aama. Pakinggan ang kwento ni Ernesto sa Barangay Love Stories.
Published 12/25/23
May isang magandang pamilya si Angelika kasama ng kanyang mga magulang. Pero nang nahirapan siyang maka-move on sa pagkawala ng kanyang ama, gimik ang naging solusyon niya at si Edsel ang nagi niyang takbuhan. Pero sa paglabo ng kanilang buhay mag-asawa, nakahanap ng bagong takbuhan si Angelika. Pakinggan ang kwento ni Angelika sa Barangay Love Stories.
Published 12/18/23
Ang tunay raw na kaibigan, kayang isakripisyo ang sariling buhay para sa kanyang kaibigan. Parang si Tonton lang na pinaubaya na ang sarili niyang kasiyahan pati ang buhay na rin upang matulungan ang best friend niyang si Darling na basta na lamang iniwan ng boyfriend nito kahit buntis. Pakinggan ang kwento ni Tonton sa Barangay Love Stories.
Published 12/11/23
Mahirap ang buhay at dahil sobrang hirap talaga nito para sa magkakaibigang sina Onyok, Pong, at Natoy...burol ang hanap nila para makakain nang libre at minsan, may take-home pa! Pero hindi lang pagkain sa lamay ang naiuuwi nila dahil si Onyok mukhang dinidikitan din ng mga patay na pinaglalamayan nila. Pakinggan ang kwento ni Onyok sa Barangay Love Stories.
Published 12/04/23