Rafaela “Apples” Chen: Kasabay ng pag-unlad ng Pudong, umunlad din ang hospitality industry
Description
Noong 1992 puro talahib at tatlo lang ang internatonal hotels sa Pudong. Ngayong 2020, meron ng 300 international hotels at 600 local hotels at inns sa Pudong, financial hub at sentrong pang-inobasyon sa Shanghai, Tsina. Ganito inilarawan ni Rafaela “Apples” Chen ang napalaking pagbabago at mabilis na pag-unlad ng distrito sa Shanghai nitong tatlong dekadang nakalipas.Tatlumpu’t apat na (34) taon nang naninirahan sa Tsina si Apples Chen at kasalukuyan siyang General Manager ng International Hoteliers & Associates (Shanghai) Ltd. Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, nagbalik-tanaw ang hotel executive at ibinahaging noong Dekada 90 may 100 Pilipino lamang sa lunsod. Ngayon higit 8,000 na ang mga Pilipino na nagtatrabaho, nag-aaral at nagbukas ng sariling negosyo sa Shanghai.
Upang maiging maipalaganap ang mga produktong Pilipino sa mas maraming mamimiling Tsino na naghahanap ng matataas na kalidad, malusog, at kombinyenteng produkto, pinasinayaan kamakailan sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang “Pambansang Pabilyon ng Pilipinas” sa JD.com, isa sa...
Published 11/03/21