Dr. Rommel Banlaoi: Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, sana’y hindi matinag
Listen now
Description
Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, hangad ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies na sa taong 2021, sana’y hindi matitinag ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.  Sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, pinasalamatan ni Dr. Banlaoi ang Tsina sa ibinigay na tulong sa Pilipinas. Aniya, “Sa mga bansang kinausap ng Pilipinas, ang Tsina lamang ang nagbigay ng immediate at adequate response sa mga pangangailangan ng Pilipinas sa vaccination, at kauna-unahang nagbigay ng kanilang medical assistance.”Isa aniya siya sa mga nabiyaan at kumpleto na ang kaniyang turok ng Sinovac.   Saad niya, “Napakahalaga ng vaccination dahil gusto nating ma-achieve ang herd immunity para tuluyang magapi ang problema natin sa pandemya. At maibalik sa normal ang kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino na katulad ng tinatamasa ng mga mamamayan sa Tsina na normal ang pamumuhay dyan at malaya nang nakakalabas ang mga tao.” Umaasa rin si Prof. Banlaoi na magpapatuloy ang mga pangkaunlarang kooperasyon ng dalawang bansa na nakapaloob sa Build Build Build Project.  Binanggit niya ang ilan sa mga kooperatibong proyekto na nagtutuloy-tuloy sa gitna ng COVID-19,  na gaya ng irigasyon at dam sa Mt. Province para mapaunlad ang agricultural productivity, at flood control project sa Maynila.  Sinabi pa niya, sana ay patuloy ang pagpopondo ng Tsina sa mga proyektong pang-imprastruktura  at pangkalakal.  Dapat din ani Banlaoi na kasabay ng pagpapahigpit na pagpapalitan ng dalawang pamamahalan at mga politikal na partido, dapat palakasin ang people to people contacts upang maibsan ang mataas na anti-China sentiment sa Pilipinas. Diin ni Prof. Banlaoi, napakalawak ng ugnayang Pilipino-Sino. Hindi mai-define lamang ito ng alitang pandagat, siya lamang ang isyung nakakabahala sa dalawang bansa, pahayag pa niya.  Mahalaga na magkaroon ng mapayapang solusyon sa isyu ng South China Sea ayon kay Dr. Banlaoi at isulong na magkaroon ng maigting na kooperasyon ang dalawang bansa sa South China Sea.  Ang buong panayam ay mapapakingga sa podcast.
More Episodes
Upang maiging maipalaganap ang mga produktong Pilipino sa mas maraming mamimiling Tsino na naghahanap ng matataas na kalidad, malusog, at kombinyenteng produkto, pinasinayaan kamakailan sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang “Pambansang Pabilyon ng Pilipinas” sa JD.com, isa sa...
Published 11/03/21
Upang maiging maipalaganap ang mga produktong Pilipino sa mas maraming mamimiling Tsino na naghahanap ng matataas na kalidad, malusog, at kombinyenteng produkto, pinasinayaan kamakailan sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang “Pambansang Pabilyon ng Pilipinas” sa JD.com, isa sa...
Published 11/03/21
Published 11/03/21