Dr. Rommel Banlaoi: CPC, mas creative, innovative at mas engaging ngayon
Listen now
Description
“Naging creative, innovative at mas engaging ngayon ang Communist Party of China. Ang kanilang mga polisiya ay masasabi kong may maidudulot na kagandahan di lamang sa Tsina kundi pati na rin sa buong mundo.”Pinulsuhan ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS), ang 100 taong pag-unlad ng Communist Party of China (CPC). Paliwanag ni Prof. Banlaoi, ang CPC sa kasalukuyan ay nagsusulong ng sustainable development, environmental protection, mitigating climate change at alleviating poverty. Nag-adapt ito sa mga nagaganap na pagbabago sa mundo at patuloy na nag-aadapt at nag-i-innovate. Hinggil sa mataas na tiwala ng mga tao sa CPC, ang dahilan nito sa palagay ni Prof. Banlaoi ay ang kakayahang maghatid ng mga pangangailangan ng mga mamamayan. “Nang ma-achieve ang national unity, ngayon nangako ang CPC na iahon sila (ang mga mamamayan) sa kahirapan. At na-achieve yan ng CPC,” pahayag ni Banlaoi. Performance politics ang sandigan kung bakit ang tiwala ng mga Tsino ay nasa partido, dagdag niya.Hangad ni Banlaoi na magpapatuloy ang diyalogo ng PDP-Laban ng Pilipinas at CPC para ang kagandahan ng ugnayan sa pagitan ng mga partido at pamahalaan ay mag-spill over sa people-to-people relationship.
More Episodes
Upang maiging maipalaganap ang mga produktong Pilipino sa mas maraming mamimiling Tsino na naghahanap ng matataas na kalidad, malusog, at kombinyenteng produkto, pinasinayaan kamakailan sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang “Pambansang Pabilyon ng Pilipinas” sa JD.com, isa sa...
Published 11/03/21
Upang maiging maipalaganap ang mga produktong Pilipino sa mas maraming mamimiling Tsino na naghahanap ng matataas na kalidad, malusog, at kombinyenteng produkto, pinasinayaan kamakailan sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang “Pambansang Pabilyon ng Pilipinas” sa JD.com, isa sa...
Published 11/03/21
Published 11/03/21