Sa bagong normal, mas pinaigting na ang ugnayan ng mga tao sa iba't ibang paraan, pisikal man o birtwal. Bilang kaisa ng komunidad na nagdiriwang at nagsusulong ng sining at kultura ng bansa, layunin ng podcast na ito mula sa mga kabataang artista ng PUP Sining-Lahi Polyrepertory ang iparinig ang kanilang mga natatanging kwento ng pag-asa, pagbangon, at paglaban sa pang araw-araw na pamumuhay. Mga tinig ito ng lakas, himagsik, at pag-ibig. Pagsasadokumento ito ng danas, pagbabahagi ng aral, at higit sa lahat pagpapakatotoo.
Fresh na seniors? Sa huling episode ng 2nd season ng NKSP, magbabahagi ang naggagandahang miyembro ng grupo na sina Lemon at Lalaine tungkol sa kanilang karanasan at mga natutunan sa tatlong taon nila sa grupo at pag-aaral sa kolehiyo.
Published 10/01/21
“Yakap! Mahal kita! Pahinga…... Hinga.” Sa episode na ito, nais naming ibahagi sa mga tagapakinig ang aming kahulugan sa “First Love”. Muli nating alalahanin ang maraming tanong na kung paano at bakit natin hindi makalimutan ang una nating minahal. Kung bakit sobrang sarap balikan ang mga...
Published 09/17/21