Episodes
Balik muna tayo sa usapang college, at samahan niyo kaming sagutin kung ano nga ba talagang value ng pagsali sa mga student orgs? ‘Yan lang naman ang pinagusapan ng mga certified BS Org na sina Jacob at Lance na nagsisimula nang malugmok sa finals season.
Published 11/23/24
Hindi ito Star Magic o Sparkle, pero bakit nga ba tila ang daming gustong mag-audition na mga celebrity at influencer sa darating na halalan? Mula sa senador hanggang konsehal, inisa-isa nina Jacob at Lance ang mga celebrity na gusto ata ng side gig para sa iba at ang estado ng showbiz at pulitika sa bansa.
Published 11/16/24
Sa init ng panahon ngayon, mas malala pa ang in heat na boyfriend na pinoproblema ng letter sender natin. Kapag tila wala nang kontrol sa katawan ang partner mo, paano ba dapat palamigin ang problemang ito para marespeto rin ang boundaries and preferences mo?
Published 11/09/24
Oh no, oh no! Magluluksa ka na ba agad ngayong Undas kung nalaman mong hindi ka pala gusto ng mga kaibigan ng partner mo? ‘Yan lang naman ang susubukang sagutin nina Jacob at Lance ngayong Sabado sa letter sender nating tinatawag daw siyang toxic. Alamin nga natin, gaano ba talaga kahalaga ang approval ng barkada sa relationships ng isa’t isa?
Published 11/02/24
Sa pagbisita ng rising artist na si Jayda, alamin natin kung bakit nga ba naging sad girl ang letter sender natin sa pagmove on sa kanyang ex na nakahanap na ng iba. Bukod dito, mas kilalanin pa natin si Jayda at ang kanyang kwento kung bakit nga ba sad girl din siya sa kanyang album na “Sad Girl Hours.”
Published 10/26/24
Never ready, always prepared na sina Jerom Canlas, Omar Uddin, Benedix Ramos, at Alex Diaz mula sa Bar Boys: A New Musical para magbahagi ng kanilang journeys and experiences kasama sina Jacob at Lance sa pagkamit ng kanilang sariling pangarap. Nagbabago nga ba talaga ang ating mga pangarap, at paano nga ba ang mangarap?
Published 10/19/24
Talaga naman it’s the season na naman ng mga pulitiko! Sa unang edisyon ng ating “Bakit?” series, kilalanin at usisain natin ang mga kandidatong tatakbo sa upcoming 2025 Elections. Puro bagong Pilipinas, lumang mukha na lang ba ang ating aasahan? May pag-asa pa ba talaga tayo? At bakit ba mahalaga ang pagboto natin sa darating na eleksyon?
Published 10/12/24
Aminin niyo na, ang hirap maging open sa isang topic na hindi naman talaga tinuro nang maayos sa school or bahay. Kaya naman ngayong Sabado, pag-uusapin natin lahat ng tungkol sa sex, lalo na ang value and importance ng consent and saying no.
Published 10/05/24
Oh yes, kilala na namin ‘yang si Elijah Canlas sa pelikula at telebisyon – pero sino naman ba si elijah with a lowercase? Sa kanyang kwentuhan kasama sina Jacob at Lance, lalo nating kilalanin ang award-winning actor na pumapasok ngayon sa mundo ng rap at musika.
Published 09/28/24
Simple pero rock ang eksena ng rising singer-songwriter na si Janine Berdin sa kanyang pagbisita sa GKY. Mula sa kanyang audition hustle sa pagkabata, alamin kung paano gumagawa si Janine ng kanyang marka sa industriya in her own style and signature
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | X
Lance Arevada Instagram
Ganito Kasi 'Yan! Instagram | X
Tugon Po Form: https://tinyurl.com/GKYTugonMo
Published 09/21/24
Tugon Po is back sa letter sender nating may malaking problemang kailangang tugunan nina Jacob at Lance. Pipiliin niya bang lumandi pa sa ideal guy for them pero taken na, o magsettle siya sa hindi niya masyadong bet kahit may potential naman?
Published 09/14/24
Hindi man pinalad sina Ejay, Miggy, Pipoy at Universe sa queer dating reality show na Sparks Camp Season 2, binahagi naman nila ang kanilang mga learnings sa kanilang karanasan. Kumusta na kaya sila after the camp?
Published 09/08/24
Sa pagbabalik nina Jacob at Lance, pasabog ang kanilang naging usapan kasama sina Allan, Kyle, at Martin – ang mga campers na nag-uwi ng mutual sparks sa queer dating reality show na Sparks Camp Season 2. Talaga bang nauwi sa happy ending ang kanilang sparks?
Published 09/07/24
Sa haba ng takbo at sa dami ng guests natin this Season 6, it’s chapter closed na para sa isang one-of-a-kind season. Kaya naman sa ating pagtatapos, sasamahan tayo ng ating producers from ANIMA Podcasts na sina Anica Neri at Elijah De Guzman kung saan pinagusapan natin ang realities and struggles of facing the adulting world and paving your own path. Mayroon ring mga big announcements sina Jacob at Lance para sa GKY tungo sa papasok na bagong chapter ng ating ultimate Gen Z tambayan. Handa...
Published 08/01/24
May balak magpa-loyalty test ang ating letter sender, pero para sa boyfriend niyang nahuli nang nakikipagchat sa ibang babae? ‘Yan ang tinugunan nina Jacob at Lance this Saturday, kung saan pinagusapan nila kung considered nga ba itong cheating at ano pa nga ba ang considered na microcheating. Deserve pa ba ng second chance at loyalty test para sa boyfriend? O wala na nga bang pag-ibig sa kanilang dalawa?
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook |...
Published 07/27/24
He’s back in GKY and it feels so right! Pasabog ang pagbabalik ng rising Kapamilya actor na si Raven Rigor para sa isang tell-all interview kasama sina Jacob at Lance. Binahagi ni Raven ang kanyang humble beginnings sa Tarlac, learnings mula sa kanyang karera at sa mga nakukuhang comments online, and plans for his bright future ahead. Handa ka na bang sumama sa pangmalakasang kumustahan?
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lance Arevada...
Published 07/20/24
Sa pagsalubong nina Jacob at Lance sa kanilang senior year, sisimulan rin natin ang isang panibagong segment kung saan ibabahagi nila ang kanilang kwento at karanasan sa kanilang huling taon sa college. At sa ating unang episode, samahan silang pag-usapan kung papaano nga ba nababalanse ang acads, orgs, at iba pang commitments. Kaya bang magsabay-sabay lahat nang hindi napapagod? Or minsan kailangan ring bumitaw?
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook |...
Published 07/13/24
Pause lang muna tayo ngayong Sabado dahil after in a while, may open forum sina Jacob at Lance sa mga naging takbo ng kanilang buhay at ng GKY sa unang half ng taon. Aside sa mga wins ng podcast sa nakaraan, babalikan rin nila ang kanilang highs and lows sa buhay these days, tulad ng pagiging Kapamilya interns. Kumusta na ba ngayon ang ating besties?
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lance Arevada Instagram
Ganito Kasi 'Yan! Instagram |...
Published 07/06/24
Sa pagpapatuloy ng ating biyahe sa isla ng Marahuyo, sasamahan tayo ng #KingIno na sina Adrian Lindayag at Neo France Garcia at si Ian Villa para tugunan ang pag-overthink ni IT Guy kung the feeling is mutual na ba sa bestie niyang si Archi Guy. Binalikan rin nila kasama sina Jacob at Lance ang pagganap sa kanilang mga tumatak na karakter sa latest queer barkada series.
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lance Arevada Instagram
Ganito...
Published 07/03/24
From following your footprints in the sand, sama-sama tayong pupunta sa isla ng Marahuyo para kilalanin ang casts ng bagong queer barkada series. Sa ating unang episode, magbabalik sa GKY ang nag-iisang Yani Villarosa kasama si AJ Sison para tugunan ang problema ng 24 year-old nating letter sender na no jowa since birth. Dapat na bang babaan niya ang standards niya o maghintay na lang sa the right one?
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lance...
Published 06/29/24
Landiang student leaders ang ganap natin ngayong gabi! Sa pagbabalik ni Ateneo Sanggunian President Lee Rosendo sa GKY, sasamahan niya si Jacob tugunan ang pagfifigure out ng letter sender nating student leader rin na biglang finollowback ng crush niyang inaminan niya na ng feelings before. May pahiwatig nga ba talaga sa likod ng pagfollow ng crush niya? Or networking lang ba ‘to sa mga student leader?
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lee...
Published 06/22/24
Hindi tayo matotorpe sa tawa at saya this Saturday dahil makakasama natin this Saturday ang P-Pop’s New Kids on the Block, AJAA! Mas kikilalanin pa natin kasama sina Jacob at Lance ang mga miyembro ng grupo, lalong-lalo na ang kwento sa likod ng pangmalakasang release ng kanilang debut EP na “4 Ü.” Babalikan rin natin ang ating childhood memories, na siguradong mapapakain ka na lang Hany sa tuwa!
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lance...
Published 06/15/24
Hindi nga ba talaga patas ang mundo? Sa ating Tugon Po ngayong Sabado, pinag-usapan nina Jacob at Raffy ang hinaharap ng letter sender nating si Sinayang Na Naman, na nagtataka kung bakit mas masaya pa yung manloloko niyang ex habang patuloy siya naiwang napapagisip sa kanyang nakaraan. Bakit nga ba parang mas nakakaangat pa ang masama? May pag-asa pa ba ang may best and purest intentions?
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lance Arevada Instagram
Ganito Kasi 'Yan! Instagram...
Published 06/08/24
Sumusumpa kami kay Bathala, kayo ay ‘di magsasawa sa pagbisita sa GKY ng mga alamat ng P-Pop, ALAMAT! All in ang kanilang kwentuhan at kulitan kasama sina Jacob at Lance kung saan ibinahagi nila ang kanilang musical journey at samahan bilang grupo. ‘Di rin nagpahuli ang ALAMAT sa kanilang mga paandar, na siguradong dadagundong sa inyong pakikinig!
📲 Follow our social media accounts:
Jacob Maquiling Instagram | Facebook | Twitter
Lance Arevada Instagram
Ganito Kasi 'Yan! Instagram |...
Published 06/01/24