296: Balik-tanaw - BABAE AKO w/ Lualhati Bautista & Etta Rosales
Listen now
Description
Ngayong Women's Month, dalawang magiting, matapang, at huwarang Pilipina ang tampok sa kauna-unahang Balik-tanaw episode ng The Linya-Linya Show. Dito, binalikan natin ang isang tula ni Lualhati Bautista -- isang premyadong manunulat na mas nakilala sa kanyang mga nobelang "Dekada '70," "Bata, bata... Pa'no Ka Ginawa?," at "Gapo."-- mula sa kanyang unang libro ng mga tula, na pinamagatang "Alitaptap sa Gabing Madilim." Binasa naman ito ni Etta Rosales, isang guro, lingkod-bayan, at dating chairperson ng Commission on Human Rights. Para sa kababaihan, para sa bayan, para sa lahat-- pakinggan at pagnilayan ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show podcast, powered by PumaPodcast at Anima Podcast. Mabuhay ang panitikang Pilipino! Mabuhay ang kababaihan! Maaari ring makuha ang limited edition Linya-Linya x Lualhati Bautista BABAE AKO collaboration shirt dito: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxlualhatibautistababaeakoacidblack?_pos=2&_sid=f6f501269&_ss=r
More Episodes
Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League series– at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emcee– freestyle man o written– ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang...
Published 11/22/24
Published 11/22/24
Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries! Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable...
Published 11/15/24