Episodes
Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League series– at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emcee– freestyle man o written– ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang natatanging battle rapper na nakagawa nito; siya rin ang founder at president ng Motus Battle League– tubong-Pasig na ngayon ay taga-Cavite, M Zhayt! BOOM! Dalawa't kalahating oras ng kwentuhan at deep...
Published 11/22/24
Published 11/22/24
Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries! Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable tips kung paano mapapanatiling ligtas ang ating pagmamaneho. Sabay-sabay natin sabihin, THANKS DADDY RENE! Masarap pakinggan ang episode na ‘to habang nabiyahe. Listen up, yo!
Published 11/15/24
Ngayong Halloween 2024, sabay sa kagat ng dilim: Ang kahindik-hindik at kakila-kilabot na kolaborasyon ng Linya-Linya at Creepsilog! At nakasama na nga natin, ang mga may pakana sa podcast na nagpagising sa listeners hanggang madaling araw with their convos on true crime, paranormal events, at kung anu-ano pang kababalaghan mixed with light Pinoy humor– sina Gideon Mendoza at Glenn Tabajeros ng CREEPSILOG! Ang mas nakakatindig-balahibo pa: May Linya-Linya x Creepsilog limited edition...
Published 10/31/24
Matagal nang pinaghahahanap, at sa wakas natagpuan na natin sya… si Atty. Harry Porky, nasa Linya-Linya Show lang pala! HAHAHAHEHEHE! Sa isang pagdinig, binuwisita nga tayo ni Mark Colanta— ang makulit na komedyante sa likod ng impersonation na ito. Ano nga ba ang kwento sa likod ng paggaya nyang ito? Ano ang halaga ng impersonation at humor sa seryosong social issues? Paano nga ba tumawa katulad ni Atty. Harry? Matatawa ka na maiinis na matututo sa one-of-a-kind episode na ito. At...
Published 10/25/24
Hello, Fellow 22's and Octobears! Sa episode na 'to, kasama natin ang isa sa mga pinakamatunog na banda sa OPM scene ngayon-- walang iba kundi ang Over October! Over sa kuwentuhan at kulitan ang episode, na nagpaikot-ikot na rin sa iba't ibang topics. Nalaman natin ang origins ng banda, at ang overarching journey nila sa loob ng sampung taon! Narinig natin ang experience nila sa nagdaang solo concert, ang creative process, at ang palagay nila sa OPM ngayon. Sound ON, at listen up yo!
Published 10/18/24
Labis bang naiinip? E di makinig ka na sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, dahil kasama natin ang iconic rock band, Orange and Lemons! Ang kukulit ng mga ito, oo! Pero bukod sa kulitan, marami tayong natutuhan sa behind-the-scenes at behind-the-songs ng Orange and Lemons. Naranasan niyo na bang magpasa ng resume para maging keyboardist? Nabasa niyo na ba ang 11 Minutes ni Paulo Coelho? Bakit namin ito tinatanong? Malalaman mo sa episode na ito. Kabilang din ito sa selebrasyon ng...
Published 10/11/24
Yo, check! Ipinakikilala ang collaboration series ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League-- ang BARA-BARA! Dito, makakasama natin ang ilang hinahangaang Filipino battle emcees at local rap artists. Bara-Bara-- dahil anything goes ang kwentuhan tungkol sa buhay sa loob at labas ng hip hop scene. Bara-bara rin, dahil maaaring lumalim ang usap tungkol sa kanilang creative journey at creative process; hanggang sa kanilang mga pinanggagalingan at tinatanaw sa hinaharap. At para sa...
Published 10/05/24
Ngayong Setyembre, Teacher's Month, tamang-tama ang pag-launch ng ating panibagong special sub-show sa The Linya-Linya Show-- ang Turo-Turo. At walang ibang mas aangkop pang makasama natin para makipagkwentuhan at makapag-share ng insights tungkol sa edukasyon, at kanilang mga kuro-kuro sa iba pang mga isyu-- gamit ang matalas na pag-iisip, at malalim na pagmamahal-- kundi ang parehong award-winning educators: si Sabs Ongkiko, isang magiting na public school teacher, at si Jaton Zulueta,...
Published 09/28/24
Yo, yo, yo! Or should we say, ‘lo, ‘lo, ‘lo! Dahil eto na naman ang isang episode ng Daddy Diaries para i-celebrate ang Grandparents Day!  Biglaang topic at set-up ng pod lang, sakto namang kakakita lang ni Daddy Rene sa social media na Grandparents Day pala!  Kaya sa episode na ito, tinalakay natin ang naging experience niya sa pagiging lolo, at nagbahagi siya ng malulupit na karunungang napulot niya sa pagtanda. BOOM!  Full of wisdom ang episode na ito, kaya stream now! 
Published 09/20/24
The Linya-Linya Show, mag-ingay, o! Sa harap ko, isang rap artist, battle emcee, at songwriter; nakilala bilang “Rebuttal King” dahil sa malulupit nyang balik at mga banat sa FlipTop Battle League– representing, Skwaterhauz and Mongol Unit, mula pa Tondo, Manila, at ngayon, nasa California na sa US– si DELLO! BOOM! Laking Bambang, Tondo-- isa sa pinakamakulay na lugar sa Pilipinas-- kaya naman hitik din sa karanasan at kuwento ang mga bára at pambará ni Dello. Sa episode na ‘to, kinuwento...
Published 09/13/24
Nitong Aug. 30, naimbitahan si Ali bilang tagapagsalita sa Miriam College Middle School. Para ito sa closing program ng kanilang Buwan ng Wika, kung saan ang tema ay: “Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Nag-share siya ng kanyang sariling kwentong MC, ng kanyang karanasan sa skwela at trabaho, at syempre, ng memes. 💛💙 Sa panibagong “Basa Trip” episode na ito, nirecord ni Ali ang binasa nyang speech sa harap ng humigit-kumulang 1,800 na mag-aaral ng Grades 7-10. Sabi nga ni Ali, nakakatuwa ‘yung...
Published 09/07/24
Walang script-script ang malulupit at makukulit na linyahan ng SPIT-- ang pioneer at popular improv group sa Pinas ngayon! Samahan natin ang SPIT (Silly People's Improv Theater) members na sina Aryn Cristobal, Ariel Diccion, Kara Flores, Karl Echaluse, at Pappu de Leon sa episode na 'to! Dito, tinalakay natin ang sining ng improvised theater, at mga karanasan nila sa pagtatanghal sa iba’t ibang audiences sa Pilipinas. Ang saya ring malaman kung ano-ano ang kanilang backgrounds-- kung paano...
Published 08/30/24
Yow, yow, yow! Ihanda na ang kutsara at tinidor dahil ready na ang mainit-init na at malamang kuwentuhan natin ngayon! Kasama ang writer, producer, at standup comedian from Comedy Manila na si Chino Liao! Sa episode na ‘to, usapang food at comedy tayo. Nagsimula sa kwentuhang hotdog sa sopas at hanggang nilantakan na ang life stories ni Chino sa pagiging isang komedyante. Malalaman natin ang maraming pit stops na dinaanan niya bago mapunta sa scene ng stand-up comedy. Mabubusog ka sa...
Published 08/23/24
Matagal na naming gustong mangyari ‘to, ngayon andito na! Isa sa malupit na podcast collabs of the year, The Linya-Linya Show kasama ang Ang Walang Kwentang Podcast! Sinamahan tayo ni direk Antoinette Jadaone at JP Habac para mag-emehan! Napag-usapan natin ang pagtawid nila mula filmmaking sa podcasting, ang kaibahan ng audio at video podcasts, at sinagot natin ang isang malupit na tanong: Ano bang kwenta ng Ang Walang Kwentang Podcast?! Warm-up episode pa lang ito ng mas malupit na...
Published 08/16/24
Yo, yo, yo, makinig kayo! Dahil kasama natin sa episode na ito sa para sa buwan ng wika, isang makata mula Batangas–lumipad sa Pilipinas patungong Korea–ang spoken word poet na si Carlo Bonn Hornilla! Nakilala natin si Carlo sa mga viral spoken word videos niyang nagpakilig, nagpatawa, at nagmulat ng mga mata dahil sa matalas na social commentary na dala-dala.  Kaya sa episode na ito, inalam natin ang kaniyang mga influences at creative process. Nagbalik-tanaw tayo sa experience niya nang...
Published 08/09/24
Tuloy-tuloy ang kuwentuhan nina Ali at Anygma sa Big Fuzz, dito sa Amorsolo St., Makati, at sumali ang isa pang malupit na emcee, mula Uprising, at tubong Camarin, si KJah! 
 Alam niyo bang naging housemates sina Anygma, KJah, at Zaito noong 2013? Subukin mo pa lang i-imagine, kagulo na! 
 Sa episode na ito, masisilip natin ang simulain ng Uprising Records, mga kalokohan nina Anygma, KJah, at Zaito noong magkakasama pa sila sa isang apartment sa Pasig-- tungkol sa giniling na panis, iba't...
Published 08/02/24
Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM! Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa? Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip...
Published 07/26/24
Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM! Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa? Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip...
Published 07/19/24
Kumusta, Fellow-22's at mga Ka-Linya? Sa episode na 'to, nagbabalik si Jaton Zulueta ng AHA Learning Center, ang isa sa partner organizations ng Linya-Linya, na focused sa paghubog ng early education at pag-empower ng mga bata sa underprivileged areas tulad ng Smokey Mountain at Tondo.  Sa episode na ito, malaliman nating napag-usapan at napag-isipan ang mga rason kung bakit nga ba pinipiling tumulong ng organisasyong tulad ng AHA Learning Center, at kung bakit mahalagang malaman natin ang...
Published 07/12/24
Yo, yo, yo, mga Fellow 22s! Ready na ba ang mga baso o bote niyo? Tara na at mag-inuman, mapakape, beer, o tubig man ‘yan, maki-join ka sa latest kuwentuhan natin ngayon! Kasama si Kelvin Yu ng bandang The Itchyworms! Naging matunog sa 2000s OPM scene ang bandang The Itchyworms, at hanggang ngayon umaalingawngaw sa radyo, streaming, at mga videoke ng kapitbahay ang kanilang mga kanta.  Kaya sa episode na ito, alamin natin ang kuwento sa likod ng pagkakabuo ng The Itchyworms, at ang kuwento...
Published 07/05/24
Kasama sa pagiging positibo ang hindi pagtalikod o pag-iwas sa mga mahihirap na sitwasyon ng buhay. Ang pagtanggap sa sarili ay nangangailangan ng katapangan at katapatan. Gaya na lang ng pinamalas ng ating guest sa episode na ito, ang aktor na si Adrian Lindayag, na kamakailan lang ay ipinaalam sa public ang kaniyang status bilang isang person living with HIV, nang gumanap siya musical na RENT bilang si “Angel,” isang tauhan na mayroon ding HIV.  Maging open-minded at maging positive sa...
Published 06/28/24
Be kind, form ties. Makinig tayo… kay Thysz! Yo, yo, yo, listen-up sa all-inclusive at all-insightful kuwentuhan kasama ang freelance writer, LGBTQIA+ advocate, at current chairperson ng PANTAY, na si Thysz Estrada! Dito, tinalakay namin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, sa porma ng equality, equity, at kindness. Ang need sa pagpapasa ng SOGIE Bill, at iba pang usapin under the sun, after the rain, forming all colors of the rainbow. BOOM! Pandinig at atensyon ay ialay… maging...
Published 06/21/24
Happy Father’s Day sa lahat ng tatay natin sa buhay, Fellow-22s! Para ipagdiwang espesyal na araw na ito, kasama natin ulit, walang iba kundi ang best dad na si Engr. Rene Sangalang! At alam niyo bang halos kasabay ng Father’s Day ay ang 100th Anniversary ng MAPUA, kung saan rin graduate si daddy? Kaya naman ngayon, tatalakayin natin ang colleges experiences ni Daddy Rene sa university, pati na ang advocacy nya for further studies! Lahat ito, nakatulong, hindi lang sa kanyang career, pero...
Published 06/14/24
Bagyo, yo, yo! Tag-ulan na naman. Nakahanda na ba kayo, mga fellow 22s? Sa episode na ito kasama natin, isa sa ating longtime friend at kausap, walang iba kundi si Charles Tuvilla! Mula pa sa Dallas, Texas. BOOM! Ngayon, napag-usapan namin ni Charles ang karanasan nating mga Pinoy sa bagyo, at sa kapatid nito, ang brownout! Sari-saring kuwento sa Pilipinas at sa Texas ang naibahagi ni Charles at Ali, mula sa mga bagyo sa Novaliches at Ilocos, hanggang sa mga ipu-ipo at kidlat sa...
Published 06/09/24