Description
Ngayong Setyembre, Teacher's Month, tamang-tama ang pag-launch ng ating panibagong special sub-show sa The Linya-Linya Show-- ang Turo-Turo.
At walang ibang mas aangkop pang makasama natin para makipagkwentuhan at makapag-share ng insights tungkol sa edukasyon, at kanilang mga kuro-kuro sa iba pang mga isyu-- gamit ang matalas na pag-iisip, at malalim na pagmamahal-- kundi ang parehong award-winning educators: si Sabs Ongkiko, isang magiting na public school teacher, at si Jaton Zulueta, founder ng AHA Learning Center.
Sobrang honored kong makasama sila rito, at masaya akong ibahagi sa Fellow-22's at mga Ka-Linya ang mga magagawa naming episodes.
Kasabay ng kani-kaniyang mga pinagkakaabalahan sa pang-araw-araw, susubukin naming tatlo-- mga magkakaibigan-- para magrecord ng episodes tungkol sa iba't ibang subjects, anuman ang aming mapusuan, tulad na lang ng pagpili sa iba't ibang putahe sa isang Turo-Turo na kainan.
Matuto tayo sa isa't isa, mag-Turo-Turo tayong magkakasama!
Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League series– at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emcee– freestyle man o written– ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang...
Published 11/22/24
Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries!
Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable...
Published 11/15/24