Episodes
Have you ever heard about 'attachment styles'?🤔 For the final episode of our February Mini-Series, we unravel the mysteries behind Attachment Styles and how they shape us in building relationships with others. Sabay-sabay natin alamin kung ano ang ibig sabihin ng Secure, Anxious-Preoccupied, Dismissive-Avoidant , at Fearful-Avoidant. Disclaimer: The information provided in this episode on attachment styles is for educational purposes only. We are not licensed therapists or experts in...
Published 02/23/24
Published 02/23/24
Dive into the playlist of love as we dissect the art of kilig in both English and Tagalog tunes. Join us for a musical escapade, mixing prom night nostalgia and Valentine's feels. We've cooked up a symphony of emotions that's the perfect soundtrack for your JS Prom or any love-filled day. So, ready your hearts for a rollercoaster ride of melody and hugot! 🎵💖
Published 02/17/24
Kilala mo ba kung sino si Gary Chapman? Alamin ang five different ways kung paano tayo makakapag-express ng love natin sa ibang tao. Ano ba ang Love Language mo? We may not be in authority to discuss this topic, pero wala ka ng choice! Kaya samahan mo na kami at maki-join sa usapang Love Languages. Reveal mo na din ano yung sagot mo sa slumbook noon sa tanong na "what is love?".
Published 02/09/24
Kickstarting our February with LOVE: An Usapang Light Podcast Mini-Series. We are diving into the world of self-love in our first episode. Ano nga ba ang definition ng self-love? Join us as we discuss the common misconception about self-love and hear some valuable tips on self-love na siguradong makaka-relate ka. Welcome this February with some good vibes and join us in celebrating the beauty in every one of us.
Published 02/02/24
Buena manong episode for 2024, let's explore ang mga 'exits' at 'entrances' sa buhay – sa pag-ibig, pagkakaibigan, trabaho, at propesyonal na buhay. Have some insights and inspiration on how we face new transitions in our lives. Tara pag-usapan na natin yan! Enter this new season with us!
Published 01/26/24
Tuloy ang kwentuhan! Nabitin ba kayo last episode? Ito na 'yung second half ng taon. Ano-ano nga ba ang significant na mga pangyayari mula July-November 2023? Tara, alamin natin at pag-usapan dito sa season finale episode.
Published 12/22/23
Gulat kayo noh? Kala niyo wala na kami! Hahahaha. Nahiya naman kami sa inyo, kaya we exerted our full effort (naks) para magpabaon ng bagong episode bago man lang matapos ang 2023. Eh ano pa nga ba ang magandang gawin kapag patapos na ang taon? Eh di balikan ang mga nagdaang mga kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas. Tara! Pag-usapan natin 'yan dito sa 2-part episode ng aming Season 3 finale.
Published 12/21/23
Gusto mo bang malaman ang six (6) Friendship Red Flags you should never ignore? Pwes! Pakinggan mo 'tong episode na 'to. This episode is as good as the Part 1, so you should never miss this! Kayo? Ano ba ang mga considered niyong Red Flags pagdating sa kaibigan?
Published 05/05/23
Madalas natin makita recently sa social media ang "red flags" especially relationship redflags. Eh since Season 1 pa lang na-establish na namin na wala kami nito, why not discuss friendship red flags? Hahahaha! Listen to this episode to hear some untold stories and secrets. Tara, makipag-tawanan at makipag-kulitan na!
Published 04/14/23
Usapang pinansiyal tayo mga ka-lighters! Our special guest MaryAnn joined us once again to discuss finances and budget. Dapat ba mag-ipon or dapat natin i-enjoy ang kinikita natin? Kapag ba nagpa-utang ka, sinisingil mo pa? Tara! Pag-usapan natin 'yan dahil hindi ka namin titipirin sa episode na 'to.
Published 03/24/23
Ano ang nasa center ng universe? Suprise! Hindi ikaw! HAHAHA! Masama ba mag-demind nang nararapat para sa sarili mo? Ano nga ba ang difference ng self centeredness sa entitlement? May kanya-kanya tayong standard at entitlement mentatlity. Tara, pag-usapan natin yan!
Published 03/10/23
Nagbabalik matapos ang mahabang pahinga. Eh ano pa nga ba ang napapanahon na dapat pag-usapan? Eh di kwentong balikan! Tara at samahan kami sa kauna-unahang episode ngayong Season 3. Maki-marites sa mga kwentong balikan; mapa trabaho man 'yan, mabigat na traffic, balik siksikan, balikan ng mga nag-hiwalayan, at mga utang na hindi na naibalik at tuluyang kinalimutan. Char!
Published 02/24/23
Nag-bayad ng dalawang beses sa jeep. Tinawag ng "Mahal" si Kuya Shopee or Lazada. Bumaba ng jeep kahit hindi pa naman umaalis mula sa terminal. Mga sabaw moments, meron ka ba nito? Sa makulit na episode na 'to, pag-usapan natin ang mga lutang at sabaw moments sa commute, sa office, o kahit saan pa 'yan.
Published 03/11/22
Isa sa tatlong tao ang biktima ng online bullying ayon sa UNICEF poll noong 2019. Talamak ngayon ang cyberbullying sa 'digital age' at social media. Sa episode na ito, sinamahan kami ng aming special guest at classmate Guillermo "Sam" Cortes upang pag-usapan ang aming mga karanasan sa 'bullying'. #NoToBullying
Published 02/18/22
Ang bias mo! Hindi ah, may preference lang ako. Dahil ba mas prefer mo ang isang bagay, bias ka na sa hindi mo pinili? Kailan nga ba nagiging bias ang isang tao? Ano 'yung unconscious bias? Media bias, KPop bias, bias wrecker, positive at negative impact ng bias at kung ano-ano pang bias. Pag-usapan natin 'yan sa episode na to.
Published 02/04/22
Sabi nga nila, "nasa huli ang pagsisisi". Bakit nga ba may regrets? Mga desisyon na pinagsisihan, mga bagay na binili pero hindi naman kailangan, mga taong pinagkatiwalaan pero nang-iwan. Naka-ilang beses mo na ba nasabi sa sarili mo ang "sayang"?. Pag-usapan natin 'yan. Isalang na ang sinaing at makinig sa amin. Promise! Sa episode na ito, oras mo ay hindi namin sasayangin.
Published 01/21/22
Updated na ba resume mo? Char! We know, we know. Medyo negative ang ating buena manong episode for the year. Pero aminin mo, napapanahon ito. Habang alam namin na marami ang nag-hahanap ng trabaho, marami din ang mga nahirapan makisabay sa pandemya at sa mga pagba-bagong dala nito sa trabaho. Bakit nga ba naging trend na ang mag-resign pagka-kuha ng 13th month pay? Tara! Pag-usapan natin 'yan.
Published 01/07/22
Usapang Light Podcast is now back for Season 2! Para sa aming pagbabalik, bumyahe pa kami pa-Bohol para mag-record. Char! Dahil miss na miss na namin ang makagala at makabiyahe, naisipan namin ibahagi ang aming karanasan sa aming bakasyon sa gitna ng pandemya sa 3-part episode na ito. Mula sa preparation, challenges, expecation, disappointments, realizations, at marami pang iba! Tara, umpisahan na ang usapang kinasabikan niyo ng ilang buwan.
Published 12/10/21
Usapang Light Podcast is now back for Season 2! Para sa aming pagbabalik, bumyahe pa kami pa-Bohol para mag-record. Char! Dahil miss na miss na namin ang makagala at makabiyahe, naisipan namin ibahagi ang aming karanasan sa aming bakasyon sa gitna ng pandemya sa 3-part episode na ito. Mula sa preparation, challenges, expecation, disappointments, realizations, at marami pang iba! Tara, umpisahan na ang usapang kinasabikan niyo ng ilang buwan.
Published 12/03/21
Usapang Light Podcast is now back for Season 2! Para sa aming pagbabalik, bumyahe pa kami pa-Bohol para mag-record. Char! Dahil miss na miss na namin ang makagala at makabiyahe, naisipan namin ibahagi ang aming karanasan sa aming bakasyon sa gitna ng pandemya sa 3-part episode na ito. Mula sa preparation, challenges, expecation, disappointments, realizations, at marami pang iba! Tara, umpisahan na ang usapang kinasabikan niyo ng ilang buwan.
Published 11/26/21
Nagpa-budol ka na naman ba nung 7.7? Ano na naman ang binili mo na hindi mo kailangan? Haha! May trust issues ka ba sa online shopping or babe na tawag mo kay kuya rider? Sabi nga ni tita Witty, kapag nasa katwiran, i-add to cart mo! Tara at pag-usapan ang mga kwentong budol mo online.
Published 07/09/21
Batang Jollibee ka ba or McDo? Ano ang the best fried towel este chicken para sa'yo? Tara at samahan kami magutom at pag-kwentuhan sa episode na 'to ang mga paborito nating pinoy fast food. Alamin kung saang branch ng Tokyo-Tokyo ang generous mag-bigay ng gulay na side-dish at kanino ba dapat mag-sumbong kapag may mali sa inorder mong pagkain? Magutom at makitawa, dahil sa huli, bida pa rin ang saya!
Published 06/25/21
How you doin'? Oh. My. God. Warning! This episode will include some *spoilers* from the F.R.I.E.N.D.S. reunion. Join us in this special episode where we share our favorite characters, episodes, and scenes from the series and the reunion. If you don't have a "pla", just go and grab your favorite sandwich while you listen to us because we guarantee you that this episode is not just a moo point.
Published 06/11/21
Ang iniiiiiiiit! Meron tayong dalawang season sa Pilipinas: Wet and Dry Season or Tag-Ulan at Tag-Araw. Maliban sa Pasko, ang Summer season ay panahon din para makapag-reunion at magsama-sama ang pamilya, magba-barkada, magkaka-trabaho, magkaka-klase, at magka-kaibigan. Mapa-resort, swimming pool, ilog, falls, o dagat man 'yan, ang importante magkakasamang tumatakas sa panandaliang init na hatid ng panahon. Sa episode na ito balikan natin ang mga kwentong summer, mga drawing na plano, at mga...
Published 05/28/21