Episodes
Natuklasan ni Geraldine na gumagamit ng droga ang asawa. Lumala ang kanilang pagsasama, at sinimulan siyang saktan ni Mark, lalo na kapag umiiyak ang kanilang anak. Isang gabi, pinagsamantalahan si Geraldine ng kanyang asawa at mga kaibigan nito, pero agad siyang humingi ng tulong. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/18/24
Published 09/18/24
Si Betty ay naghahangad ng prince charming ngunit iniisip niya na walang magmamahal sa kanya dahil sa itsura niya. Sa kabila nito, nanatili ang kanyang matalik na kaibigan na si Ronald, isang half-Pinoy at half-German. Hanggang sa kanilang pagdadalaga’t binata, hindi nagbabago ang pakikitungo sa kanya ni Ronald. Kahit din tutol ang ina ni Ronald, nagtagumpay ang kanilang pagmamahalan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/17/24
Si Nat ay isang mapagmahal na panganay. Maaga siyang nasadlak sa responsibilidad nang mamatay ang kanilang ina. Ginawa niya ang lahat ng trabaho para maitawid ang buhay nilang magkapatid. Isang araw, nalaman ni Nat na nagtatrabaho ang kanyang kapatid na si Ash bilang macho dancer at call boy. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/16/24
Si Faith ay madalas asarin ng mga kaklase dahil sa kanyang payat na pangangatawan. Ang kanyang amang si Manong Ruben ay isang construction worker. Nagtataka si Manong Ruben kung bakit malnourished si Faith kahit parati naman siyang nagbibigay ng pera sa misis niyang si Aling Mila. Nalaman niyang lulong ang asawa sa sugal kaya't napabayaan na ang anak. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/13/24
Si Kleo ay isang mapagmahal na ina at asawa. Nagsimula siyang maghinala sa mister na si Simon dahil parating wala ito sa bahay. Nadiskubre niya na may kabit ang asawa niya. Kinompronta niya ang kabit at ang asawa. Sa halip na pagsisihan ni Simon ang kamalian niya, iniwan ni Simon si Kleo at ang kanilang anak. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/12/24
Isang araw, nakatagpo si Carmela ng love letter na mula pa no’ng 1957 habang naglilinis ng bahay kasama ang kanyang Lola Gloria. Inakala ni Carmela na galing ito sa kanyang Lolo, pero natuklasan niyang ito'y mula kay Antonio, ang first love ni Lola Gloria. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/11/24
Si Franco ay malapit sa kanyang ate. Parating pinagsusumbungan si Franco ng kanyang ate tungkol sa hinalang pambababae ng mister nito. Isang araw, lumayas ang ate niya at nakitira sa kanila, ngunit madalas ito mangutya at magbunganga sa asawa ni Franco. Dahil sa gano’ng kaugalian ng kanyang ate, napuno si Franco at pinalayas ito. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/11/24
Si Keiah ay walong taong gulang nang masalanta sila ng bagyong Yolanda. Natangay ang buong pamilya niya dahil sa bahang dala ng bagyo. Sinubukan niyang iligtas ang kanilang alagang aso, ngunit napahamak din siya at ang kanyang ina. Ngayo'y 18 na taong gulang na si Keiah at ulila na, parati siyang nagpapaalala na alagaan ang kalikasan.S See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/09/24
Si Carol at ang kanyang mister ay bagong kasal. Nakikitira muna siya sa bahay ng kanyang biyenan habang nag-iipon para sa sariling bahay. Nakaramdam siya ng kaba dahil punong-puno ng mga lumang gamit ang bahay. Kinumbinsi niya ang mister at kapatid na linisin ito. Nagalit ang biyenan nang makita ang pagbabago kaya pinalayas si Carol at ang kanyang mga anak. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/09/24
Si Jai ay isang lesbian at si Elaine ang kanyang girlfriend. Isang gabi, nagpaalam si Elaine na mag-ba-bar siya. Matapos nito, natuklasan nilang nabuntis siya ng lalaking nakilala doon kaya naghiwalay sila ni Jai. Ilang buwan ang lumipas, namatay si Elaine sa panganganak kaya naman inako ni Jai ang responsibilidad sa anak ni Jai dahil sa pagmamahal niya kay Elaine. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/08/24
Si Aling Belen ay isang mapagmahal at maalagang ina sa kanyang dalawang anak. Isang araw, nagpaalam ang kanyang anak na si Kleiton na maglalaro lang siya sa labas. Nang pinatawag na ni Aling Belen si Kleiton, hindi na nila ito mahanap. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/04/24
Si Athena ay isang masiyahin at masiglang babae, ngunit nag-iiba siya pagdating sa boyfriend niyang si Liam. Isang beses, umuwi nang late si Athena kasama ang bestfriend niya. Pinagbintangan siya ni Liam na nangtataksil daw siya at sinuntok siya nito. Natagpuan na lang si Athena na nakakadena sa loob ng kanyang bahay. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/03/24
Si Daisy ay naging breadwinner ng pamilya sa murang edad. Napagdesisyunan niyang mang-ibang bansa. Pagdating sa Canada, nahirapan siyang maghanap ng trabaho at naranasan ang matinding hirap. Nasabihan pa siya ng kanyang ina na wala siyang kwentang anak. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/03/24
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/30/24
Si Emil at Ruth ay bagong kasal. Araw-araw nilulutuan ni Ruth si Emil kahit hindi ito marunong at madalas ay hindi masarap ang luto. Kahit ganoon, pinahahalagahan ni Emil ang pagsusumikap ni Ruth na pagsilbihan siya. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/29/24
Si Aya ay isang baguhang call center agent. Aminado siyang hindi siya magaling mag-English at ang kursong natapos niya ay malayo sa kanyang trabaho. Sa unang tawag niya, hindi niya nasagot ang tanong ng customer kaya nama’y pinatawag ang supervisor niyang mahigpit at namamahiya. Kalaunan, nagbanta si Aya na isusumbong niya ito sa HR at mag-re-resign na nang tuluyan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/28/24
Ninais ni Sofia na makaahon sa kahirapan kaya ginusto niyang mag-asawa ng foreigner. Nakilala niya si Augustine online at agad-agad din silang naging mag-jowa. Nang magkita sila sa personal, nag-propose agad si Augustine. Ang hindi alam ni Sofia, hindi kasal ang mangyayari kun’di may masamang balak sa kanya si Augustine. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/27/24
Si Darla ay isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na si Danny. Matinding panlalait ang natatanggap ng kanyang anak mula sa pamilya ng asawa niyang si Ramil. Sa kadahilanang ito, nakipaghiwalay si Danny kay Ramil at pinutol ang anumang koneksyon na mayroon sila. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/23/24
Mag-asawa sina Kara at Allen. Napapansin ni Kara na madalas mag-overtime si Allen at malayo ang loob nito sa kanya. Nalaman niyang nagsinungaling si Allen tungkol sa trabaho. Nang harapin niya ito, nagulat si Allen na alam ni Kara ang kanyang panloloko. Umalis si Kara, pero bumalik din dahil sa awa. Kalaunan, ninais pa rin ni Kara na maghiganti sa asawa.  See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/22/24
Sina Penny at Greg ay magkatrabaho. Madalas silang magharutan, ngunit sinasabi ni Penny na ‘di naman seryoso ang mga landian nila. Si Greg din naman kasi ay may asawa’t anak. Kalaunan, nagkaroon pa rin sila ng relasyon at nabuntis si Penny. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/21/24
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/21/24
Si Jelyn ay 17 years old lamang. Siya ay naging breadwinner ng pamilya at natutong kumita sa pag-freelance online. Nakikipag-usap siya sa mga sugar daddy mula sa iba't ibang bansa. Nang magipit ang kanyang pamilya, binantaan niya ang mga ito na ikakalat ang kanilang videos kung hindi sila magpapadala ng malaking pera, at nakalikom siya ng 300K pesos. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/19/24
Limang taon nang hiwalay si Joy sa kanyang asawa. Naging single mom siya sa anak niyang si Mae. May mga nanliligaw naman sa kanya. Ang pinakapursigido ay si Alvin, isang single dad din. Nang magkatuluyan sila, tila naging isang malaking pamilya. Kalaunan, unti-unting nagbago si Alvin at iniwan silang mag-ina nang walang pasabi. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/16/24
Si Atoy ang nag-iisang nagtatrabaho para sa kanila ng misis niyang si Ella. Laging pinapaalalahanan ni Ella na magtipid at unahin munang bayaran ang mga responsilidad nila sa bahay. Kalaunan, nagsimula si Atoy bumili ng mga mamahaling gamit at mula raw iyon sa sobrang pera. Hanggang sa isang araw, naputulan sila ng kuryente at tubig, Dagdag pa rito ang pagsugod ng kanilang landlady dahil tatlong buwan na silang ‘di nagbabayad ng upa. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/15/24