Episodes
Si Atoy ang nag-iisang nagtatrabaho para sa kanila ng misis niyang si Ella. Laging pinapaalalahanan ni Ella na magtipid at unahin munang bayaran ang mga responsilidad nila sa bahay. Kalaunan, nagsimula si Atoy bumili ng mga mamahaling gamit at mula raw iyon sa sobrang pera. Hanggang sa isang araw, naputulan sila ng kuryente at tubig, Dagdag pa rito ang pagsugod ng kanilang landlady dahil tatlong buwan na silang ‘di nagbabayad ng upa. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/15/24
Si Niel ay masipag at mapagmahal na asawa kay Weng. Ang problema, masyadong malaasa ang pamilya nito sa kanila. Si Neil lang ang medyo nakaangat sa buhay, kaya madalas silang hingan ng kanyang pamilya. Isang araw, napuno na si Wena at sinabi kay Neil na kung hindi niya kaya limitahan ang pag-abuso ng kanyang pamilya, mas mabuting umalis na rin siya sa kanilang bahay. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/14/24
Si Pam ay isang OFW. Siya ay bumili ng lupa at nagsimulang magpatayo ng bahay sa tulong ng kanyang pamilya. Nang bumalik siya sa Pilipinas para sorpresahin sila, nalaman niyang ibinenta nila ang kanyang dream house para sa sariling mga pangangailangan. Parang binagsakan ng langit at lupa si Pam nang malaman ito. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/13/24
Si Vanessa ay isang maybahay na laging mainitin ang ulo at pinaghihinalaang may babae ang asawang si Gabby. Dahil sa pagod at irita, si Gabby ay lumapit sa katrabahong si Carmi na halos kabaliktaran ni Vanessa. Kalaunan, unti-unti nang nahulog si Gabby kay Carmi at nagkaroon sila ng relasyon.  See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/12/24
Si Lea ay lumaki sa mga lolo’t lola niya. Hindi maganda ang trato nila kay Lea lalo na't bunga siya ng maagang pagkabuntis ng kanilang anak. Bumalik ang kanyang tunay na ama upang magpakilala at bawiin siya. Pinili pa rin ni Lea na manatili sa kinalakihang pamilya kahit hindi maayos ang kanilang relasyon. Kalaunan, naglakas-loob din si Lea na ipahayag ang kanyang sama ng loob sa kinalakihang pamilya. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/09/24
Si Fatima ang unang asawa ni Miguel. Tatlong taon na sila, pero ‘di pa rin sila nagkakaanak. Dahil dito, nagkasundo silang magkaroon ng pangalawang asawa si Miguel. Muslim sila at pinapayagan ng kanilang relihiyon ang polygamy. Nang mabuntis ang pangalawang asawang si Fricha, mas napag-isipan ni Miguel ang kanyang sitwasyon at ang pagod na nararamdaman niya sa pag-aayos sa dalawang pamilya. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/08/24
Si Celine ay isang single mom. Ang anak niyang si Irish ay nagsumbong tungkol sa pang-aabuso ng kapitbahay at ng bagong kinakasama ni Celine na si Roco. Nang mapansin ng lola ang mga pasa ni Irish, nalaman niyang totoo ang mga sinabi ng apo. Naikuwento ng Lola kay Celine na siya rin ay napagsamantalahan noon ng sarili niyang ama. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/07/24
Bata pa lang si Yssa ay close na siya sa kanyang Lolo Tacio at Lola Ayda. Gustong-gusto niyang kasama sila tuwing bakasyon sa probinsya, lalo na kapag nag-aalaga sila ng love birds. Isang araw, namatay ang love bird na si Pula at sumunod din ang kapares nitong si Dilaw. Nang pumanaw si Lola Ayda, sumunod din agad si Lolo Tacio. Tulad ng love birds, malalim din ang pagmamahal nila sa isa’t isa. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/06/24
Si Jessa ay isang mapagmahal na ate sa kanyang mga kapatid. Magkakasundo ang tatlong babae, maliban sa kanilang panganay na kuya na si Roman. Inaakusahan ng bunsong si Richanne na sakim sa pamana ang kuya nila. Isang gabi, matinding alitan ang nangyari sa kanilang magkakapatid. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/05/24
Mula pagkabata, naramdaman ni Shiena ang walang hanggang pagmamahal ng kanyang inang si Rosie. Si Nanay Rosie lang ang nagpalaki sa kanilang magkapatid. Nang magkasakit si Nanay Rosie ng leukemia, tila tumigil ang kanilang mundo. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/02/24
Si Lala ay isang nurse na nangangailangan ng kahati sa upa. Kalaunan, nagkaroon din siya ng roommate, si Daniella. Nagkaroon sila ng pirmadong agreement na bawal magdala ng jowa sa apartment. Nang mahuli niya si Daniella na nagdadala ng lalaki sa kanilang apartment, nagalit si Lala at pinalayas ang dalawa. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/01/24
Si Theo ay isang engineer na umuwi sa probinsya para sa reunion. Dito muling nagkita ang magkababatang sina Theo at Shiela na may pinangako sa isa’t isa noon. Nang tanungin ni Shiela si Theo tungkol sa pangakong hihintayin niya ito, nagulat si Theo na pinanghawakan pala ni Shiela ‘yun. Dahil hindi pa handa si Theo, ipinangako niyang magiging worth the wait siya para kay Shiela. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/31/24
Si West ay crush na crush ang kanyang katrabahong si Veronica, isang maganda at matalinong babae. Naging magkaibigan sila kahit lumipat si Veronica ng kumpanya, ngunit si West ay nagdududa kung may tinatagong kahinaan ito. Nang iniwan si Veronica ng kanyang boyfriend noong Valentine's, si West ang sumama sa kanya. Sa kabila ng nangyari sa kanilang dalawa, inamin ni West na sinusubukan niya lang si Veronica na labis na ikinagalit ng dalaga. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/30/24
Si Emily na girlfriend ni Miles ay isang abalang flight attendant ngunit nagagawa nilang mapanatili ang kanilang relasyon. Dahil sa pangungulit ng ina, nag-propose si Miles kay Emily, pero nang malaman niyang dalawang buwan na lang ay kasal na sila, naging matamlay ang dalaga. Isang araw bago ang kasal, ipinarating ni Emily sa pamamagitan ng kanyang kuya na hindi pa siya handa magpakasal kay Miles. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/29/24
Sina Dan at Len ay maagang nagpakasal dahil nabuntis si Len. Ngayong may anak na sila, naisip ni Dan kung na-mi-miss ni Len ang kanyang pagkadalaga. Pinayagan niya itong lumabas kasama ang kaibigang galing ibang bansa, ngunit naging dahilan ito ng kanilang alitan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/28/24
Si Danica ay masipag na nagtrabaho upang makabili ng sariling sasakyan at suportado siya ng boyfriend na si Allan. Isang araw, napansin ni Danica ang mga kakaibang gamit sa kanyang kotse, kaya nagpatulong siya sa kaibigan upang subaybayan si Allan. Nalaman nilang may ibang babae si Allan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/26/24
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/24/24
Mahal na mahal ni Josh ang girlfriend na si Ara, at kahit takot siya, ipinakilala siya ni Ara sa kanyang pamilya. Nang makilala siya, sinamantala ng pamilya ni Ara ang yaman ni Josh. Hiningian siya ng pabor at gamit, pati na ng pera. Sa kabila ng pagmamahal niya kay Ara, napaisip si Josh kung kaya niyang ipagpatuloy ang relasyon nila dahil sa ugali ng pamilya ni Ara. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/23/24
Si Lisa ay isang masipag na housewife ngunit araw-araw siyang nakakaranas ng mga insulto mula sa asawang si Dennis. Kapag nasa harap ng iba, tulad ng ina ni Lisa o mga katrabaho, ay nagpapanggap si Dennis na mabait at ulirang asawa. Kapag sila na lang dalawa, puro panunumbat at panlalait ang inaabot ni Lisa. Kalaunan, sinabi ni Lisa na pagod na siya sa kaplastikan ni Dennis. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/22/24
Habang nasa ibang bansa ang ama ni Lina, inatasan siyang bantayan ang nanay niyang si Lydia. Mahilig mag-ayos at magpabango si Lydia ngunit walang malasakit sa mga gawaing bahay. Nang bumalik sa abroad ang ama, nakita ni Lina si Lydia na nakikipag-date sa isang binatang halos kaedad niya. Kaya naman iniisip niya kung sasabihin niya ang katotohanan sa kanyang tatay. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/19/24
Si Nanay Vilma ay isang mahigit 60 years old na bagong retiree na mahilig sa social media. Isang araw, may nag-message sa kanya sa Facebook na si George Burns, isang surgeon mula California, USA, na naghahanap ng kausap. Nangako si George na pupunta sa Pilipinas matapos siyang pahiramin ni Vilma ng pera, ngunit sa araw ng kanilang pagkikita sa airport, walang dumating na George Burns. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/18/24
Si Mika ay nirereto na sa kanyang kinakapatid na si Cairo, bata pa lamang sila. Naghiwalay sila pagkatapos ng ilang taong relasyon, pero nanatiling magkumare ang kanilang mga ina at gumawa ng paraan para paglapitin sila muli. Kalaunan, pinagtagpo muli ang dalawang magkababata.  See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/17/24
Sa 8th year anniversary ng magjowang si Mara at Alex, napag-isipan ni Alex na dalhin si Mara sa isang beach sa Batangas kasama ang kaibigang magjowa rin para payagan si Mara ng kanyang mahigpit na ina. Habang naglalaro sila ng Truth or Dare, natapat kay Alex ang tanong kung plano na ba niyang pakasalan si Mara pagka-graduate. Nang sagutin niya ito ng hindi pa dahil marami pa siyang pangarap, nag-walkout ang dalaga at tuluyan na silang nag-away. See omnystudio.com/listener for privacy...
Published 07/16/24
Iniwan si Lia ng kanyang ina sa bahay ampunan noong siya ay tatlong buwan pa lamang. Sa loob ng 15 years, wala pang pamilyang nais kumupkop sa kanya, kaya madalas niyang subukang tumakas. Isang araw, dumating si Cynthia sa ampunan, hinahanap ang kanyang anak na si Lia. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/15/24
See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 07/12/24