Case File No. 3: Kabanata 1 – Ang Nawawalang Alahas
Listen now
Description
ISANG LUMANG bungalow iyon na napapaligiran ng naggagandahang bulaklak at mga punungkahoy at nakatayo sa gitna ng isang ektaryang lupain sa pusod ng Kalakhang-Maynila. Isang buong compound na nababakuran ng matataas na sementadong pader at nababalutan ng nakapaninibughong katahimikan. (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});   Sa umaga, ang buong kapaligiran ay tila may sariling daigdig sa kaiga-igaying tanawin at sariwang simoy ng hangin. Sa mga piling oras, maririnig ang maliliit na mga boses ng mga batang nagsisipaglaro at nagsisipag-awit: “Sampung palaka… pataas-taas… pababa-baba… palanguy-langoy… Ang sabi ng nanay, matulog ka na… Ang sabi ng palaka… ayoko, ayoko!” Sa gabi naman, ang lumang konkretong istruktura ay animo isang haunted house sa nakabibinging katahimikan at nakapangingilabot na kadiliman. Kadiliman na nakasanayan na ng mga tao, bata at matanda, na dumarayo sa pook na iyon mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Dahil ang bungalow na inaakalang isang karaniwang tahanan ay binihisan upang mangalaga sa mga taong may mga kapansanan sa mata. Ito ang tinawag na Tahanan ng mga Bulag, isang Center for the Blind. Isang pribadong institusyon sa pagkakawang-gawa na may dalawang taon nang naglilingkod sa mga taong maaaring bulag na nang ipanganak o nabulag dahil sa tinamong sakit o aksidente. Isa sa mga mapapalad na tinutulungan ng Center at napiling scholar sa taong iyon si BIEN, 13-taong gulang, bunso at nag-iisang anak na lalaki. Sa simula ay hindi matanggap ng ina ni Bien na bulag ang kanyang bunso na noo’y dalawang taon lang. Ngunit matapos sumangguni sa ilang espesyalista ay saka pa lang nakumbinsi ang kapospalad na ina. Kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na ang kanyang mahal na si Bien ay mabubuhay sa kadiliman sa habang panahon. Sa halip na mawalan ng loob, nagsikap si Aling Marta na ‘makakita’ ang anak sa kabila ng kapansanan nito. Tulad sa isang normal na bata ang trato niya rito. Kaya si Bien ay lumaking independent. Matalino rin ang bata. Consistent honor pupil ito noong elementarya. Natuto itong kumain at magbihis mag-isa, magkumpuni ng mga sirang laruan at maging sumakay sa bisikleta kung saan siya paikut-ikot sa bakuran ng kanilang bahay sa Sta. Mesa. Si Bien pa nga ang tagahanap ng pamilya ng posporo at kandila sa tuwing may brownout sa gabi dahil siya lang ang nakakabisa sa kanilang bahay sa dilim! (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); Si Bien ay ikalawang pinsan ni BOGING sa ina. Noong araw na iyon, naglambing si Bien sa Kuya Boging niya na daanan siya sa Center. Hindi pa kasi nakakapunta sa Center si Boging. At pagkatapos ay nagpapasama itong mamasyal at kumain sa Megamall. Dahil pagkain ang pupuntahan kahit siya ang maglilibre sa pinsan, pumayag agad si Boging. Iyon ay matapos siguraduhin sa barkadang sina GINO at KIKO na wala silang lakad. WALA ang security guard sa may gate na nag-i-screen ng mga bisita sa Center
More Episodes
GABI! Rumirihistro na ang kadiliman sa bayan ng Sta. Cruz. Naiwan sa pagamutan ang mag-asawang matanda at nagbiyahe nang pabalik sa Maynila ang mag-asawang Rodrigo. Support this podcast at — https://redcircle.com/b1gang/exclusive-content Advertising Inquiries:...
Published 03/27/21
"DI BA, DADDY?" baling ni Gino sa ama. "Magandang paraan iyon para matapos na ang misteryong ito." Support this podcast at — https://redcircle.com/b1gang/exclusive-content Advertising Inquiries: https://redcircle.com/brands Privacy & Opt-Out: https://redcircle.com/privacy
Published 03/27/21