#28: NeuRo Tech: Teknolohiyang Bago, Mapakikinabangan ng mga Pilipino (NSTW 2021)
Listen now
Description
Ito ang unang bahagi ng ating Special Episode produced in collaboration with the National Science and Technology Week 2021. Sa episode na ito makakasama natin si Dr. Roy Francis Navea ng DLSU-IBEHT-NICER para talakayin kung ano nga ba ang NeuRo Tech at ano ang mga maitutulong nito sa mga Pilipino sa larangan ng Medisina at Agham. Tara! Samahan nyo kami mga ka-Agham at mga ka-Bio sa napaka-malaman na usapan pagdating sa bagay na ito. #2021NSTW #DOSTTugonSaHamon #Scienceforthepeople. | Muli ay iniimbitahan at inaaanyayahan ko ang bawat isa na makilahok at manood sa pinakamalaking Science and Technology event ngayong taon, ang 2021 National Science and Technology Week o NSTW na mangyayari mula sa ika-22 hanggang ika-28 ng Nobyembre. Dahil sa pandemya, pansamantala munang hindi natin mararanasan ang nakasanayang pagdiriwang ng National Science and Technology week. Ngunit hindi nagging hadlang o limitasyon ang CoVid-19 upang idaos natin ang NSTW, at dahil sa teknolohiya ay patuloy natin naipapaalam at naibabahagi sa publiko ang mga inobasyon, makabagong teknolohiya, at mga programa tungkol sa Siyensya at teknolohiya na kapakipakinabang sa ating lahat. Sa temang Agham at Teknolohiya: Tugon sa Hamon ng Panahon, may mga webinar, career talk, film showing, at iba pa na magpapakita ng pagbibigay solusyon sa mga problema natin sa pang-araw-araw na pamumuhay, na hatid ng iba’t ibang ahensya ng DOST. Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa 2021 NSTW, bisitahin lamang ang www.nstw.dost.gov.ph at huwag kalimutang i-follow at i-share ang post sa official Facebook page na National Science and Technology Week at gamitin ang hashtags na #2021NSTW, #DOSTTugonSaHamon, at #Scienceforthepeople Kitakits tayo virtually mga ka-Bio at mga ka-Agham! 💚
More Episodes
Marami na tayong napanood at napakinggang mga balita tungkol sa pagkamatay ng mga tao na dulot ng kuryente o di kaya ay ng kidlat. Ngunit paano nga ba ito nangyayari at maaaring makapahamak sa buhay ng mga tao. Sa ating discussion sa araw na ito, alamin natin ang science behind Electricity,...
Published 06/14/23
Published 06/14/23
Lahat tayo at tatanda. Wala tayong ligtas mula rito. Isa ito sa maraming bagay na hindi natin mapipigilan. Ngunit kung may pagkakataon kang pigilan ito, gugustuhin mo ba? Sa ating discussion sa araw na ito, alamin natin ang science behind Aging at ang mga pag-aaral ng mga siyentipiko tungkol sa...
Published 09/22/22