Episodes
Mas masarap maramdaman na kailangan ka kaya mahal ka kaysa naman sa mahal ka lang dahil kailangan ka. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 01/11/24
Dapat paghandaan mo rin ang iyong kinabukasan at hindi iasa sa anak ang magiging kapalaran. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 01/04/24
Ang relasyon ay parang kape yan, lumalamig kapag napapabayaan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 12/28/23
Kapag naranasan mong iwanan at masaktan, ang hirap nang magtiwala ulit dahil nandoon ’yung takot na baka mangyari ulit. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 12/21/23
Ang reunion ay dapat katuwaan at kasiyahan na ngayon ay iniiwasan dahil sa mga bibig ng chismosang hindi mapigilan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 12/14/23
Para sa mga taong kunyari napapagod na, pero ang totoo, gusto lang magpahinga sa iba. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 12/07/23
Maraming bagay na masakit sa umpisa, pero kapag nagtagal, doon mo mararamdamang mabuti palang naranasan mo muna ang sakit at hirap dahil nasa dulo pala ang sarap.  See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 11/30/23
Huwag kang ma-pressure na hanapin agad ang taong mamahalin. Hayaan nating tayo ang piliin, hindi ’yung pinili tayo kasi pinilit natin. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 11/23/23
Malalaman mo lang na mahalaga ang piso kapag nagkulang ang pamasahe mo. Parang siya, malalaman mo lang na mahalaga siya sa’yo kapag wala na siya sa buhay mo. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 11/16/23
Hindi tanga ’yung taong sobrang kung magmahal. Mas tanga ’yung taong minahal na ng sobra, pero naghanap pa ng iba. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 11/09/23
Kahit kailan, hindi ka magiging sapat sa taong iba ang hanap. Hindi ikaw ang nagmukhang tanga sa relasyon niyong dalawa, siya! Kasi ibinigay mo na ang lahat, naghanap pa ng iba. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 11/02/23
Lahat ng tao sa paligid mo, puwede mong ituring na kaibigan, pero hindi lahat, puwede mong pagkatiwalaan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 10/26/23
Lahat tayo dumadaan sa matinding problema, pero dapat daanan mo lang. ’Wag mong tambayan.  See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 10/19/23
Ang selos ay hindi karapatan. Ito ay emosyon na hindi mo mapipigilan dahil sa lahat ng emosyon ng tao, selos ang pinakamahirap itago. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 10/12/23
Hindi mo talaga masasabi ang iyong magiging kapalaran dahil kahit ilang beses ka pang magbigay ng pamantayan, lahat ’yan mababalewala kapag ikaw ay tinamaan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 10/05/23
Kahit gaano ka kagaling o katalino, may pagkakataon pa rin na puwede kang mabiktima ng mga “scammer” o manloloko. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/28/23
SANA ALL para sa mga pangarap na dumating na. SANA ALL sa masaganang buhay na nakamit mo na. Darating ang araw na hindi ka na makiki-SANA ALL sa iba at mapapalitan ng “SA WAKAS, natupad ko na!” See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/21/23
Bago mo bitawan ang isang bagay, sitwasyon o relasyon, isipin mo muna kung magiging masaya ka ba sa kahihinatnan o magiging resulta. Mahirap kapag ang pinaghirapan o ang pinagsamahan ay mauuwi lang sa sayang. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/14/23
Ang hirap iwan lalo na kung mahal mo pa, pero kailangan mo nang pakawalan. Ang hirap magpaalam kapag alam mo sa sarili mong hindi mo pa siya gustong bitawan, pero kailangan. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 09/07/23
Hindi lahat ng nagmamahal, nagiging masaya hanggang sa huli. Hindi lahat ng tao kasingsuwerte ng iba na nagtagpuan na ang destiny nila at ito ang masakit na realidad. Hindi lahat ay nagkakaroon ng happily ever after. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/31/23
Huwag mong pilitin. Hayaan mong masaktan ka, hayaan mong umiyak ka. Lumaban ka hanggang sa dumating ’yung araw na masanay ka at balewala na lang sa’yo ang mga pinagdadaanan mo, at least lumaban ka hanggang dulo. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/24/23
Ang salitang “sorry” ay para sa mga bagay na hindi sinasadya. Hindi sa mga bagay na paulit-ulit mong ginagawa, pero mag-sorry ka man sa kaniya, hindi pa rin magbabago ang katotohanang nakasakit ka na. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/17/23
Hindi mawawala ang mga manloloko sa relasyon. ’Yan ang katotohanan na kapag nagmahal ka, dapat laging alerto ang utak mo dahil ’yan ang magsasalba sa’yo kapag nalilito na ang puso. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/10/23
Hindi pa huli ang lahat upang makawala sa toxic na relasyon. Kailangan mo lang ng lakas ng loob para bumitaw at paniniwala sa sarili na may taong mas kaya kang pahalagahan, mahalin, at bigyan ka ng kalayaan sa mga bagay na gusto mong gawin. See omnystudio.com/listener for privacy information.
Published 08/03/23