'Tip of the Iceberg' (Aired April 4, 2024)
Listen now
Description
Nobyembre 2023 nang kumalat online ang mga litrato at video ng isang pula at isang asul na Bugatti Chiron na ibinibida sa mga kalye ng Metro Manila. Nagkakahalaga ng halos 170 million pesos ang bawat isang Bugatti at ang buwis na dapat bayaran para rito ay halos katumbas ng halaga ng bawat isang Bugatti. Kung hindi pa naging viral sa social media at naibulgar sa Senado na kwestyunable ang mga dokumento ng dalawang hypercars, hindi kikilos ang Bureau of Customs upang makuha ang mga sasakyan. Bagamat smuggled, naparehistro ang hypercars sa LTO dahil may certificate of payment na kwestyunable ang authenticity. Mabilis na nag-imbestiga ang LTO at kinasuhan ang mga tauhan nila na nasangkot. Pero bakit ang BOC nananahimik hanggang ngayon? Magkakaroon kaya sila ng totoong imbestigasyon na magiging daan upang mabulgar ang mga personalidad at kawani na nakikinabang sa talamak na smuggling ng mga tinatawag na supercars at hypercars? Think about it.
More Episodes
Minamandato ng ating 1987 Constitution ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Pilipino para maging lingkod bayan sa pamamagitan ng pagbabawal ng political dynasties. Pero kailangan ng batas na tutukoy dito. Ang kaso, higit tatlong dekada na mula nang ipatupad ang konstitusyon,...
Published 04/25/24
Published 04/25/24
Ang April 30 deadline para sa consolidation ng mga prangkisa ng lahat ng public utility vehicles sa bansa ay wala na raw extension pa. Inabot na nga ng walong extension ang deadline subalit wala pa ang Route Rationalization Plan na siyang pinakaimportanteng bahagi ng PUV Modernization Program....
Published 04/19/24