Episodes
KAILAN LANG NANGYARI ang ganyang mga bagay,” ani Lolo Ute. “Ako man ay nagtataka sa sinasabi nilang halimaw. Walang halimaw sa wawa ngunit hindi maiwasang hindi magbintang dahil marami na ang mga namamatay na tao.” (more…)
Published 10/16/17
KARAMAY NI JO, tumahimik na ring umupo sa kani-kanilang napiling lugar sina Kiko. Pinagsawa na lamang ng mga batang siyudad ang kanilang mata sa magandang tanawin ng pook. Tahimik nilang hinihintay ang pagdating ni Lolo Ute. At tulad ni Jo, hindi rin nila maiwasan ang paminsan-minsan ay tapunan ng tingin ang puno ng balete na ayon nga kay Pancho ay matanda pa sa kanyang Lolo Ute. (more…)
Published 10/11/17
WALANG TAO SA KUBO. May dalawang minuto nang tinatawagan nina Pancho mula sa labas ng kubo si Lolo Ute ay wala pa ring sumasagot. Ang pawang naririnig nila ay paghuni ng mga kuliglig na parang nagmumula sa buong kapaligiran. (more…)
Published 10/11/17
DIYOS KO NAMANG MALAPIT ‘TO, Gino. Pagod na pagod na ‘ko sa paglalakad! Saan ba tayo pupunta? Sa Bicol?” tanong ni Boging na habol ang pawis hinihingi habang panay ang pagtagaktak ng pawis mula sa mukha. (more…)
Published 10/11/17
KAHIT BUSOG PA SILA, pinagbigyan na nina Gino ang pagkakayag ni Pancho na umuwi muna at tumikim ng kakaning hinain para sa kanila. Alam nilang para sa kanila iyon at kailangang pagbigyan ang paanyaya. (more…)
Published 10/11/17
”DIYAN SA PAGITAN NG TULAY na ‘yan hanggang doon sa dulo, sa may matandang puno ng baleteng ‘yun. Diyan madalas mangyari ang mga hindi inaasahan!” bida ni Pancho kina Gino habang pigil hiningang pinagmamasdan naman ng grupo ang magandang tanawin ng wawa. (more…)
Published 10/11/17
PAG-UWI NILA, muling nagtipon sa Club House sina Gino. Doon ay nagpalitan sila ng mga kuru-kuro tungkol sa kaso ni Mang Edring at ng iba pang naging biktima ng sinasabing halimaw sa wawa. (more…)
Published 10/11/17
MAY LIMANG MINUTO nang nakapapasok sa loob ng morgue si Mr. Rodrigo samantalang naiwan ang apat na kabataan sa labas. Nasa parking area sila at nagmumukmok dahil hindi sila pinahintulutang sumama hanggang sa loob. Kung papasok man daw ay hanggang opisina lang sila. (more…)
Published 10/11/17
GISING NA ANG HALIMAW! Sigaw ng headline ng pahayagan na makikitang binabasa ni BOGING. At habang nagbabasa ito nang malakas para marinig ng mga kaibigan ay walang patid din naman ang pagkagat at pagnguya nito sa hawak na anim na patong ng sandwich. Tumigil sa kanilang gawain sina GINO, KIKO, at JO na natawag ang pansin sa laman ng balitang binasa ni Boging. (more…)
Published 10/09/17
WALANG BUWAN nang gabing iyon. Madilim ang kapaligiran. Ang mahihinang pagsalpok ng tubig sa bangka ang tanging bumabasag sa katahimikang bumabalot sa wawa. Paminsan-minsan ay maririnig din ang matining na huni ng pag-ihip ng malamig na hanging habagat. Mag-isang namamangka si Mang Edring. Papauwi na siya mula sa maghapong pangingisda at ngayon lang siya ginabi nang ganito. Ang suot niyang itim na bonete at katernong sweater na may mahabang manggas ay nagtataboy sa malamig na hangin. Sa...
Published 10/08/17