Episodes
ARE YOU IN PAIN RIGHT NOW? Paano nga ba mag heal from emotional pain? Huwag na huwag mong tatakbuhan, because the more you run from it, the more you become closer to it. Kaya’t sa episode na ito, nagbigay ako ng simpleng steps na kahit papano ay makakatulong sa iyo, ngunit pagkatatandaan ang huling step na aking binigay. Sapagkat patuloy lang mananatili sa puso mo ang sakit kung hindi mo pa nagagawa ang pinaka huling step. Yun ay, ang pagpapatawad.  Listen now!  Watch me on YouTube! ➡️...
Published 04/09/21
Published 04/09/21
Minamaliit ka ba ng mga tao? Minamaliit lang ba nila yung mga “bagay” na nagawa mo? Dahil dito, minamaliit mo na rin ang sarili mo dahil sa kanila. Ngunit, maling mali ito. ‘Wag mo nang maliitin ang sarili ko kung minamaliit ka na ng mga tao dahil mas lalo lamang maapektuhan nito ang sarili mo. Kaya’t sa episode na ito, nagbigay ako kung ano yung dapat mong tandaan para hindi mo na rin mamaliitin ang sarili mo. WATCH ME ON YOUTUBE: ⏩ shorturl.at/djBKX
Published 09/26/20
May nais ka bang makamit? Kadalasan sa atin, ay ninanais lamang yung “bagay” na mismong kinakailangan natin. Kaya’t hindi natin nakikita yung isa pang “bagay” na dapat mayroon tayo, upang makuha natin yung “bagay” na hinihiling natin. Kadalasan, hindi mo narerealize na ito ay kagustuhan mo lamang at walang kasamang pagmamahal. Sa episode na ito, halina’t pag usapan natin ang pinaka mahalagang bagay na dapat mayroon tayo sa bawat bagay na ginagawa natin, at yun ay ang LOVE O PAGMAMAHAL. ⏩...
Published 09/04/20
Ano yung mga bagay na HULI mong iniisip BAGO mo ipikit ang mga mata mo para matulog sa gabi? Maging aware ka dito, dahil labis ka nitong maiimpluwensiyahan. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “technique” para kahit papano makontrol mo yung mga “biglaang negatibong bagay” na pumapasok sa isipan mo. Ang utak natin ay isang “mansiyon at may gate”. Kung curious ka rito, makinig ka na. Nagbigay rin ako ng katotohanan para mas maging maingat ka para sa sarili mo, “The last thoughts we put into our...
Published 08/28/20
Minsan ba nagtaka ka na kung bakit lahat na lang ng tao, iniiwan ka? Sapagkat hindi natin namamalayan na ginagawa natin ito sa maling paraan. Kapag gusto natin ang isang tao, gagawin natin ang lahat para lamang sila ay manatili. Mahilig tayong magpumilit sa ating mga kagustuhan. Kapag tayo ay iniwan, kadalasan ay naghahabol pa tayo. Nang dahil rito, mas lalong mapapalayo ito sa atin, dahil maling paraan ito. Sa episode na ito, pinag usapan ko kung bakit ito patuloy na lumalayo kung pinipilit...
Published 08/21/20
Kapag ramdam nating magulo ang buhay natin, dinadamay na rin natin ang mga sarili natin. Mga linyahang “My life is messed up” pwedeng mag turn into “I am a mess”. At sa tuwing nakakaramdam tayo ng ganitong bagay, pakiramdam natin wala nang magagawa tama, wala nang pupuntahan. Sapagkat ang katotohanan, tayo ay NABULAG. Nagsara ang ating puso’t isipan sa pinaka importanteng bagay sa buhay. Sa episode na ito, nagbigay ako ng bagay nang sa gayon ay hindi mo na sinasabi sa sarili mo na “My life is...
Published 08/15/20
Isa ka bang gripo kung magmahal? Kadalasan sa atin, ay madali ma “attach” kaya’t kapag tayo ay na-attach sa isang tao, labis na mamahalin natin iyon, na handa tayong gawin ang lahat para sa taong iyon. Ngunit, hindi natin nararamdaman na nawawala na pala natin ang sarili natin sa sobrang pagmamahal natin sa kanila. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “bagay” para maalala mo sa araw araw ang leksyong ito. Maging tasa ka, kumpara sa pagiging gripo. Wag kang magmahal nang sobra, lagyan mo ng...
Published 08/08/20
Mahilig ka bang maghukay ng mga patay? Ibig sabihin ko, mahilig ka bang maghukay ng mga dating pagkakamali ng isang tao? Kadalasan kasi sa ating mga kabataan, o kahit matanda man, ay humaharap sa ganitong klaseng bagay. Hindi natin ito namamalayan sa sarili natin, o siguro aware ka rito pero iniisip mo hindi naman “big deal” dahil dinadaan sa biro. Pero naisip mo na ba na maaari kang makasakit ng damdamin sa taong yun at maaaring hindi lamang sa taong yun kundi pati ang mga nagmamahal sa...
Published 08/01/20
Hanggang ngayon ba dala dala mo pa rin ang mga patay na bulaklak sa buhay mo? Ang patay na bulaklak na aking tinutukoy ay ang mga bagay o tao na hindi mo pa mabitawan sa buhay mo. Umaasa ka pa rin kahit alam mo sa sarili mong tapos na at wala nang magagawa pa. Madalas tayong umaasa na MABUBUHAY pa natin yung bulaklak, pero ang totoo ay hindi na sapagkat matagal nang patay yung bulaklak na pinanghahawakan mo. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩: shorturl.at/djBKX
Published 07/24/20
Nakagawa ka na ba ng desisyon dati na sobra kang naapektuhan at sinisi mo ang sarili mo? Kadalasan ngayon, lalo na sa mga kabataan, ay dumedepende ang desisyon sa current emotions. Kaya mas nagkakaroon ng problema, o mas nagiging malala pa ang sitwasyon na mayroon ka. Kaya sa episode na ito, nagbigay ako ng magandang bagay na dapat mong tandaan sa paggawa ng desisyon. Lalong lalo na kung sasaktan mo ang sarili mo, dahil kadalasan sa atin ay humaharap sa mental illness.
Published 07/17/20
Minsan ba nagtaka ka na sa sarili mo kung bakit hindi mo maramdaman yung effect kahit nagbibigay ng positibong advice ang mga mahal mo sa buhay? Na para bang nakikinig ka lang sa moment na yun pero lalabas rin sa tenga mo kasi di mo maramdaman sa mundo mo. Bakit? Kasi iba pa ang mundo mo, nasa madilim na kwarto ka pa na sarado ang mga bintana at pinto. Ngunit may sinag ng liwanag, at ‘wag na ‘wag mong i-wawala ang pokus mo rito.
Published 07/10/20
Sa tuwing tayo ay nasasaktan, madalas tayong humiling ng pagbabago sa mundo natin. Ngunit, mali ito. Ang pagbabago na kailangan natin, ay para sa pansarili muna at hindi para sa ibang bagay, o tao. Maging ikaw yung pagbabago na ninanais mo, dahil lahat ng bagay sa labas ng mundo mo ay magbabago kapag ang loob ng mundo mo ay nagbago na. Bakit? Magkakaroon ka na ng standards at alam mo na kung ano ang deserve mo, to the point na hindi ka na hihiling pa ng pagbabago ng mundo sa labas mo.
Published 07/03/20
Totoo ka ba? Paano mo nga ba i-trato ang sarili mo? Importante kasing aware tayo kung paano natin tratuhin ang sarili natin. Dahil, madalas tayong mag-deny sa mga pangangailangan para sa sa sarili natin. Madalas nating i-prioritize ang ibang bagay o tao kesa sa sarili natin. Pero, sa paraan ng pagde-deny mo, mas magiging malala lamang ito. Yung “boses” sa loob mo, ay palakas nang palakas hanggang sa hindi mo na kakayanin balang araw.
Published 07/02/20
Ano ba ang madalas mong maramdaman kapag hindi nila gusto ang offer mo? Madalas nating sisihin ang sarili natin, lalo na kapag iniiwan tayo ng mga tao sa buhay natin. Pero ang totoo, hindi mo na kasalanan yung ginawa nilang desisyon kung gumawa ka naman ng aksyon.
Published 07/02/20
Madalas sating mga tao, lalong lalo na sa mga kabataan, kinukumpara natin ang sarili sa ibang tao. Mapababae man o lalake, bata man o matanda, lahat tayo kinukumpara ang sarili. Dahil ang “comparison” ay walang gender gender, walang age age. Lahat nakakaranas neto. Kaya sa epeisod na ito, nagbigay ako ng 2 paraan para KAHIT PAPANO mabawasan mo yung pagkukumpara ng sarili sa ibang tao.
Published 06/28/20
Ano ang madalas mong maramdaman sa journey mo o sa mga bagay na ginagawa mo sa buhay mo? Kadalasan kasi, ayaw natin ng mga problema, ng failure, ng paghihintay at yung roller coaster game. Pero sa buhay natin mas marami ang patungong pababa kesa sa patunong pataas, at yun ang kinatatakutan ng lahat. Kaya sa tuwing nagiging mahirap, madalas tayong sumuko. Kasi gusto natin yung resulta agad, hindi natin alam na mas importante, mas dama, mas memorable ang proseso kesa sa resulta
Published 06/25/20
Ano nga bang sinasabi mo sa tuwing mag nabagong taon? O paano ka nga ba mag set ng goals para sa sarili mo? Kadalasan kasi, nagsasaya ng tayo ng oras nang hindi natin namamalayan. Walang mali sa pag look forward sa susunod na panahon. Pero kung mahilig ka mangako sa sarili mo para sa susunod na panahon pero hindi ka naman ginagawa ng aksyon sa ngayon, ay maling mali. Makaka apekto lang lalo ito sa sarili mo. Ano nga ba ang magandang technique? Sa episode na ito, binigay ko ang epektibong...
Published 06/25/20
Ano bang mararamdaman mo kung malaman mong last day mo na ngayon at bukas mamamatay ka na? Ang kadalasang reaksyon natin ay syempre, negatibo. Pero matutulungan tayo nito para pahalagahan ang bawat araw na meron tayo. Para feel mo na you’re living your best life, tratuhin mo yung bawat araw mo na para bang last day mo na sa mundo.
Published 06/18/20
Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon na pasalamatan ang sarili mo gaya ng pagpapasalamat mo sa ibang tao? Madalas kasi tayong magpasalamat sa ibang tao pero hindi natin nagagawa sa sarili natin. Walang mali sa pagpapasalamat sa kanila, pero ‘wag mo kalimutan ang sarili mo. Ito ang kailangan nating i-practice o gawin sa buhay natin. SELF GRATITUDE
Published 06/18/20