Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes
Listen now
Description
Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay            Ebanghelyo: Juan 14:6-14 Sinabi ni Hesus kay Tomas: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko. Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.”    Pagninilay: Kamakailan, nakasalubong ko ang isang babae na humingi ng blessing. Pagka-bless niya, nangilid ang luha. “O bakit? Anong nangyari?” tanong ko. “Pwede po ba kayong makausap sandali?” sabi niya… Tumango ako at pinakinggan ang kanyang kwento. Galing pala siya sa isang simbahan para humingi ng payo sa pari, pero wala daw itong panahon dahil abalang-abala. Sinubukan din ng babae na kausapin ang isang madre, pero hindi rin siya pinakingan. Kaya sabi niya, “Salamat, sister, dahil ikaw ang naging mukha ng Diyos para sa akin ngayon.” Sa Mabuting Balitang narinig natin, hiniling ni Felipe kay Hesus na ipakita sa kanya ang mukha ng Diyos Ama, at masisiyahan na siya. Kahit matagal na nilang kasama si Hesusay hindi pa rin nila siya nakikilala – na kaisa niya ang Diyos Ama. kapanalig, nilikha tayong lahat sa wangis ng Diyos. Pinalalalim mo ba ang pagkilala mo sa Panginoon sa panalangin at pag-aaral ng kanyang Salita? Nagtataglay ang bawat isa sa atin ng natatanging katangian ng Diyos. Ano ang katangiang ipinagkaloob niya sa iyo? Paano mo maipapakita ang mukha ng Diyos sa iba sa araw na ito?   Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul
More Episodes
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24
Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ng Arco Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52 Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n’ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa...
Published 05/29/24
Published 05/29/24