Mabuting Balita l Mayo 7, 2024 – Martes
Listen now
Description
Mabuting Balita l Mayo 7, 2024 – Martes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16: 5-11 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad “Ngayon nama’y papunta ako sa nagpadala sa akin at wala sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako papunta. Kundi tigib ng lungkot ang iyong puso sa pag sasabi ko nito sa inyo. Ngunit sinasabi ko ang katotohanan. Makabubuti sa inyo’y ako’y umalis, sapagkat kong hindi ako aalis hindi makararating sa inyo ang tagapag tanggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko sa inyo at pagdating niya, hihiyain niya ang mundo sa pag lalantad sa kasal-anan sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol. Ito ang kasal-anan, hindi sila naniniwala sa akin. Ito ang daan ng pagka matuwid. Sa Ama ako papunta, samantalang hindi n’yo na ako makikita at hinatulad na ang pinuno ng mundong ito. Ito ang pag hatol.”     Pagninilay: Bilang bunsong anak sa aming pamilya, malapít ako sa aking mga magulang, lalo na sa aking ina. Sa katunayan, tuwing umaalis siya dati para pumasok sa trabaho, minsan ay iniiyakan ko ang kanyang pag-alis, kahit na alam ko na babalik siya sa hapon. Ang mabilisang magpapatahan sa akin ay ang pangako ng pasalubong mula sa aking paboritong fastfood chain at mga yakap at halik pag-uwi. Ang pait ng minsang paglisan ang siya palang nagpapatamis ng muling pagkikita. Sa tagpo ng Mabuting Balita ngayon, halatang-halatang nagpapaalam na si Hesus sa kanyang mga alagad. Sa katunayan, ilang araw na lang ay ipagdiriwang natin ang pag-akyat niya sa langit. Pinapapanatag tayo ni Hesus na may kaunting pait man ang sandalling paglisan, mananatili Siya sa ating piling sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang siyang papatnubay sa atin upang muli nating makadaupang-palad si Hesus na muling nabuhay sa mga karaniwang kaganapan ng ating buhay. Mga kapanalig, kapatid, marahil ay nasanay tayong makatagpo si Hesus sa mga kakaibang kaganapan, katulad ng mga alagad. Hilingin natin ang kanyang Espiritu upang mas madali natin siyang makita sa mga “mumunting milagro” ng araw-araw. Sa ganitong paraan, muling mag-aalab ang ating mga puso upang mapag-alab ang puso ng ating kapwang uhaw sa pag-ibig ng Diyos.  Ang Espiritu Santo ang siyang papatnubay sa atin upang muli nating makadaupang-palad si Hesus na muling nabuhay sa mga karaniwang kaganapan ng ating buhay.
More Episodes
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24
Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ng Arco Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52 Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n’ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa...
Published 05/29/24
Published 05/29/24