Mabuting Balita l Mayo 8, 2024 – Miyerkules
Listen now
Description
Mabuting Balita l Mayo 8, 2024 – Miyerkules Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay         Ebanghelyo: JUAN 16,12–15 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa sana akong sasabihin sa inyo subalit hindi ninyo mauunawaan ngayon. Darating naman siya, ang Espiritu ng katotohanan, at maghahatid sa inyo sa buong katotohanan. Wala na siyang sasabihin mula sa ganang sarili, kundi ang lahat niyang maririnig ang kanyang bibigkasin at mga bagay na darating ang ibabalita niya sa inyo, ibabalita niya sa inyo ang tatanggapin niya mula sa akin at sa gayon niya ako luluwalhatiin, ang tanang sa ama ay akin dahilan dito kaya ko sinabing mula sa akin siya tatanggap at magbabalita sa inyo”   Pagninilay: Nakakita na ba kayo ng bagong silang na sanggol na kumain na ng tapsilog? Wala di ba? Gatas lang ang ibinibigay sa kanya dahil yon pa lamang ang kayang tanggapin ng kanyang katawan. Kapag lumalaki na ang bata saka pa lamang sya pakakainin ng malambot na solid food na kaya nang tanggapin ng kanyang katawan, hanggang sa makaya na niyang kumain ng kanin. Kapanalig, ganito rin sa buhay pananampalataya. Unti-unti ang pagpapakilala sa atin ng Diyos depende sa ating kakayahang tanggapin at unawain ang kanyang mensahe. Sabi ni Hesussa verse 12 “Marami pa akong sasabihin sa inyo, datapwat hindi ninyo matitiis ngayon”. Ito ang gampanin ng Spiritu Santo sa ating buhay pananampalataya- ang tulungan at gabayan tayong unawain at tanggapin ang mahihirap na turo at pahayag ni Jesus. Our knowledge and relationship with God must progress as we grow in age and wisdom. Naalala ko noong bata pa ako, halos lahat yata ng hiniling ko sa Diyos ay ibinigay Nya. Minsan nga iniisip ko pa lang binibigay nya na. Nang madre na ako, hindi nya na binibigay lahat. Sabi ng isang classmate ko, kasi noon, nililigawan ka pa lang ng Diyos, ngayong sinagot mo na sya hindi nya na ibibigay lahat. Sometimes, our faith is tested. Mamahalin at susundin pa ba natin ang Diyos kung hindi nya ibigay ang ating kahilingan? O magtatampo tayo at lalayo na sa Kanya? Kapanalig, habang lalo nating nakikilala ang Diyos, lalo ring lalalim ang ating pananampalata at relasyon sa Kanya. Patuloy nating hingin sa banal na Spiritu na patuloy tayong gabayan sa ating buhay pananampalataya nang ito ay lalo pang lumago at lumalim.    
More Episodes
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24
Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ng Arco Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52 Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n’ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa...
Published 05/29/24
Published 05/29/24