Mabuting Balita l Mayo 15, 2024 – Miyerkules
Listen now
Description
Mabuting Balita l Mayo 15, 2024 – Miyerkules Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay   Ebanghelyo: JUAN 17:11b-19 Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Wala na ako sa mundo, ngunit nasa mundo pa sila habang papunta ako sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa Ngalan mo na ipinagkaloob mo sa akin, upang maging isa sila gaya natin. “Nang kasama nila ako, iningatan ko sila sa Ngalan mo at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak maliban sa nagpahamak sa kanyang sarili; marapat ngang maganap ang Kasulatan. At ngayon, bago ako pumunta sa iyo, sinasabi ko ito sa mundo upang malubos sa kanila ang aking galak. “Ipinagkaloob ko sa kanila ang iyong salita at napoot sa kanila ang mundo sapagkat hindi sila mula sa mundo gaya nang hindi ako mula sa mundo. Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa mundo, kundi pangalagaan mo sila sa masama. “Hindi sa mundo sila galing, gaya nang hindi ako sa mundo galing. Pabanalin mo sila sa katotohanan. Ang wika mo ay katotohanan. Kagaya nang ako’y sinugo mo sa mundo, gayundin naman sinugo ko sila sa mundo. At alang-alang sa kanila’y pinababanal ko ang aking sarili, upang pati sila’y pakabanalin sa katotohanan.”     Pagninilay: Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ni San Isidro Labrador, isang magsasaka at patron ng mga magsasaka. Bago pumunta si Isidro sa kanyang sinasaka ay nagsisimba muna sya kaya tanghali na syang dumarating sa farm. Dahil dito isinumbong sya ng kanyang kapwa manggagawa sa kanilang landlord.  Nagsurprise visit ang landlord sa farm upang alamin ang katotohanan. Wala nga si Isidro pero may anghel na nag-aararo habang nagsisimba si Isidro. Kaya po makikita natin sa imahen ni San Isidro ang anghel at kalabaw. Kapanalig, ito ang sinasabi ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Hindi dahil tagasunod nya, ligtas na sa mapang-usig na mundo. Darating pa rin ang mga problema at pagtitiis sa buhay natin subalit kung tayoý na kay Cristo pupunuin Nya tayo ng grasya na makayanan at malagpasan ang mga ito. Usigin man tayo ng mundo dahil sa pagsunod sa Kanyang mga utos, ang kapayapaan at galak sa ating mga puso ay hindi maglalaho. Hingin natin ang panalangin ni San Isidro na manatili rin tayong tapat kay Hesus. -Sr. Lourdes Ranara, fsp l Daughters of St. Paul
More Episodes
Walking with the Saints Podcast | Feast of Saint Arsenius, the Great, Patron Saints of Jesuits and Franciscan | July 19        I have always something to repent after having talked, but have never been sorry for having been silent.” These words came from St. Arsenius of Rome, who was known...
Published 07/18/24
Published 07/18/24
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24