Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules
Listen now
Description
Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 9,38-40 Sinabi ni Juan kay Hesus: “Guro, nakita namin ang isang di natin kasama na nagpapalayas ng demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Hesus: “Huwag n'yo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Kakampi natin ang di natin kalaban.”   Pagninilay: Empowered na ang mga alagad ng ating Hesus Maestro na magpalayas ng mga demonyo mula sa kanilang binibiktima. Sa kakayanan nilang magpalabas ng masamang Espiritu, ginagawa nila ito sa Ngalan ng ating Panginoong Hesus, pananalangin nang taimtim at may buong pananampalataya. Mukhang kampante na sila sa kanilang bokasyon at misyon. Kaya nang may nakita silang nagpapalayas ng demonyo, binawalan nila. Sila lang ang may ministry credentials. Parang buhay na naririnig ko na sinasabi nila na “O, eto ang aming certificate!” Kami lang ang authorized, well-trained kami dyan.” Mukhang hindi tayo nalalayo sa ganitong asal. Bilang Pilipino, by social orientation may tinatawag tayong “tayo-tayo” culture. Tayo lang ang may pribilehiyo na gumawa nito o pumasok doon. Halimbawa, kung ano ang ating expertise, tayo lang ang pwedeng mag-execute. Secure na tayo at hindi pwedeng ipagkatiwala sa iba. Pwedeng i-consider ito na makasarili, o self-serving. Ang nagiging masama pa rito,  nauuwi sa pagkainggit at pakikipagpaligsahan sa iba. Nangyayari ito kapag binigyan natin ng kahulugan ang umaangat na status o karangalan ng iba. Nakakaligtaan na kung ano ang para sa kabutihan ng lahat. Pero alam ko na marami pa rin sa atin ang nagsusumikap na hindi humabol sa special privilege ng tayo-tayo culture. May mga samahan na nagpupunyaging gawing motibasyon ng kanilang kakayanan ang malalim na panawagan na paglingkuran ang ating Panginoon. At di ba, maganda ring isipin na pagkakataon na para sa atin ang tanggapin ang Mabuting Balita ngayon.  Chance ito na harapin din natin ang tukso ng masamang espiritu. Madala skung babad tayo sa paglilingkod at masaya tayong gumagawa para sa ikabubuti ng lahat, doon tayo binubulungan ng pagmamataas, paghahanap ng kung ano ang mapapakinabangan o pagsasantabi sa kakayanan ng iba. Challenging at mahiwaga ang empowered servants of God. Kaya sa tendency nating mag-‘tayo-tayo’, gawin nating ‘tayong lahat-lahat’!  Sa Ngalan ng ating Hesus Maestro ibandila natin ang handog ng paglilingkod, pagkakaisa, pagkilala sa kakayanan ng bawat isa, at kabanalan para puksain ang tukso ng pagkakahiwa-hiwalay. -       Sr. Gemmaria Dela Cruz l Daughters of St. Paul
More Episodes
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth...
Published 05/30/24
Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ng Arco Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52 Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n’ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa...
Published 05/29/24
Published 05/29/24