Episodes
Bakit nga ba hindi pinalakpakan ni opposition senator Risa Hontiveros ang nakaraang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.? Kumusta nga ba ang lagay ng oposisyon sa 19th congress ng administrasyong Marcos Jr.? Makakalaya na nga ba si sen. Leila De Lima sa pagkakakulong? Alamin ang lahat ng yan at higit […]
Published 08/05/22
Published 08/05/22
Ayon sa isang pag-aaral, 73 percent ng mga Filipino nakilahok sa survey ang nagsabing sa social media sila kumukuha ng balita. 73 percent din sa kanila ang nagsabing Facebook ang news source nila.
Published 06/18/22
Malaki ang kinalaman ng fake news at historical distortionism sa nakaraang election. Gaano nga ba kahalaga na tama ang ating pagkakaintindi ng ating kasaysayan? Kunin natin ang perspektibo ng isang tanyag na historian sa kung gaano ka-importante na matuto tayo sa mga magaganda at pati natin sa mga maling aral ng ating nakaraan kasama si History professor @Xiao Chua, Dito lamang sa loob ng The Press Room.
Published 05/19/22
Habang papalapit ang eleksyon, makikitang nagiiba din ang ihip at mundo ng pangangampaniya ng mga kandidato sa bansa sa tulong ng kaniya-kaniyang diskarte ng mga tagasuporta ng mga kandidato. Alamin kung paano nahubog ng mga supporters ang tila makabagong paraan ng pangangampaniya sa episode na ito ng The Press Room.
Published 05/04/22
Usapang pagbawi ng nakaw na yaman ng mga Marcos, at ang pagkalat ng fake news at disinformation na nakakaapekto sa pananaw at pagpili ng mga botante sa mga susunod nating opisyal, at ang proseso nga ating halalan ang ating pag uusapan kasama ang dating Commissioner ng Presidential Commission on Good Government at Chairperson ng Commission on Elections, Atty. Andy Bautista. Samahan niyo po kami sa malalimang talakayan sa isyu ng bayan dito sa loob ng Press Room.
Published 04/24/22
Umiinit na din ang lipatan ng kampo mula sa national position hanggang sa local. Ating pag usapan ang halaga ng mga local officials sa national campaign ng tumatakbong presidente ng bansa at kung ang endorso ba nila ay nakakatulong sa desisyon ng mga botante
Published 04/05/22
Sabi ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya sasama sa mga debates at media forum at gugugulin na lang nila ang kaniyang oras kasama ang kanyang ka tandem na si dating senador Bongbong Marcos na dumirekta sa mga tao para mangampanya at ipaliwanag ang kanilang plataporma.
Published 03/10/22
Ano ang implikasyon ng pagkaka award ng mga frequencies na dating hawak ng ABS-CBN na napunta ngayon sa mga kilalang kaalyado ng Pangulong Duterte gaya ni former Senate President Manny Villar at Pastor Apollo Quiboloy. Ito ba talaga ang plano ng gobyernong Duterte sa pagwasak nito sa ABS-CBN? Ito ba yung sinasabi ni Duterte na pagwasak sa oligarchy pero nagtaguyod naman siya ng mga bagong oligarchy? Ano ang implikasyon nito sa malayang pamamahayag dito sa ating bansa?Himayin natin...
Published 01/29/22
Sa edisyong ito ng #ThePressRoom, kinapanayam natin ang mga taga-suporta ni VP Leni Robredo mula sa probinsya ng Davao upang alamin kung paano nila ikakampaniya ang kanilang kandidato sa kabila ng kasikatan ng Pamilya Duterte doon.
Published 01/15/22
Bilang parte ng serye natin ng mga panayam sa mga nagnanais maging senador sa darating na halalan, kinapanayam natin si Teddy Baguilat upang alamin kung paano niya dadalhin sa senado ang boses ng mga katutubo.
Published 01/12/22
Bilang parte ng ating serye sa mga kandidato sa pagka-senador sa 2022 election, ating kakapanayamin si Aksyon Demokratiko senatorial bet Samira Gutoc kung bakit siya ang karapat dapat nating ihalal sa susunod na halalan.
Published 01/12/22
Sa episode na ito, ibinahagi ni Kidapawan Bishop Colin Bagaforo, National Chairman ng National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines, ang kasalukuyang sitwasyon ng pagbibigay tulong sa mga nasalanta ng bagyong #Odette na nanalasa sa bansa kamakailan.
Published 01/12/22
Kamakailan lang ay nagsampa ng magkakasunod at hiwahiwalay na kaso si Energy Secretary Alfonso Cusi laban sa pitong mga news agency na nag-ulat ng mga kasong kinaharap niya at ni negosyanteng Dennis Uy ukol sa 'di umano'ng ma-anumalyang Malampaya gas field buyout.
Published 12/12/21
Kasama natin para pag usapan ang mga isyung sa Davao City at sa ating bayan ang isang NGO worker at kandidato sa pagka congresswoman ng 1st district ng Davao City na si Maria Victoria "Mags" Maglana.
Published 11/27/21
Sa episode na ito ay sasamahan tayo ng mga miyembro ng kaparian upang pagusapan ang importansiya ng pag-alam din sa opinyon ng simbahan pagdating sa mga social issues dito lamang sa loob ng The Press Room.
Published 11/20/21
Ating pag usapan ang mga galawan at palitan ng mga posisyon sa darating na presidential, vice presidential at kasama na din ang senatorial elections dahil si Pangulong Duterte na unang nagsabing magreretiro na ay tatakbong senador.
Published 11/17/21
Kasama natin ngayon para himayin ang isyung ito ang Past President ng Philippine College of Physicians, isang Health Reform Advocate at dating Special Adviser National Task Force COVID-19, si Doctor Tony Leachon.
Published 11/13/21
Sa Episode na ito, sinamahan tayo ni National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Chairman Jonathan de Santos upang talakayin ang kung ano ang mga dapat gawin kung makaka-engkuwentro ka ng fake news at ng mga trolls online.
Published 11/07/21
Alamin kung paano naapektuhan ng pagpapasara ng ABS-CBN, ng pag-atake sa Rappler at sa Philippine Daily Inquirer, at ng makailang pagpatay at paninikil sa mga journalist at mamamahayag ang demokrasya sa bansa Pilipinas.
Published 10/29/21
May mga dating magkakalaban sa pulitika na ngayoy na endorso ng dalawa o higit pang kandidato.
Published 10/24/21
Ang Malacanang nag issue ng pagbati kay Ressa tatlong araw pagkatapos ng announcement. Pero sa pagbati ay may sundot pa sa mga kasong kinakaharap ni Maria Ressa- kasong sa paniniwala ng mga kasamahang journalist ay pag-ganti ng Duterte administration kay Ressa.
Published 10/24/21
Ating pag usapan ang implikasyon ng pangarap ng mga Marcos na makabalik sa Malacañang, ang alyansa nila sa mga Duterte, ang malawakang pagkalat ng kasinungalingan sa social media na layong baguhin ang mga totoong nangyari sa panahon ng diktadurya at marami pang iba kasama mismo ang isa sa mga naging biktima ng Martial Law - ang abogado, dating congressman, kasalukuyang chairman ng Bayan Muna partylist at Makabayan senatorial candidate Cong. Neri Colmenares.
Published 10/24/21
Ating pag usapan ang mga kadahilan sa likod ng mga numero sa survey na ito kasama ang pangulo ng Pulse Asia at propesor ng De La Salle University na si Dr. Ronald Holmes.
Published 10/08/21
Nakailang hearing na ang Senado tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng Department of Health at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management o PS-DBM.
Published 09/26/21