Episodes
Minsan akong tinanong “kumusta ang puso mo?” Hindi ko naulinigan ang mga talata pero napatigil ako ng hindi ko sinasadya “Kumusta ang puso mo?” ang ulit niya huminga ako ng malalim at hinahanap ang tamang salita kombinasyon ng mga letra habang nakatitig sa araw na siyang paidlip na “Ito patuloy na tumatanda” ang tugon ko Napatingin siya sa akin Kung kayat nagsimula akong ikwento ka, ang dating tayo, ang kwento nating dalawa, at kung gano katagal na kitang patuloy na minamahal… “Ito patuloy...
Published 06/26/21
Published 06/26/21
Patawad Patawad kung ang hilig kong tingnan ang mga bagay ng higit sa kung ano sila Katulad na lamang ng isang tilas na ang tingin ko ay paru parong dumapo sa sanga o isang rosas na sa paningin ko ay natagpuan ko sa malawak na hardin o ang mga salita na hindi lamang sila titik sa aking pandinig, kundi mga himno na yumayapos sa akin tuwing gabi Kaya patawarin mo ako dahil sa tuwing titingnan kita ay hindi ko nakikita ang ikaw nakikita ko ang pagibig ang tayo ang bukas Patawad
Published 06/26/21
First year high school at birthday ko noon. Ang tanging hiling ko lang ay kape ng starbucks na isang jeep ang layo Hindi damit, sapatos, o bidyo game ng PS1 Dahil ang gusto ko lang ay Starbucks na may whipped cream on top at kape in one. Matagal ko na siyang pinag nanasahan Mula sa lamesa ng Principal's office na lagi kong pinupuntahan Hanggang sa kamay ng kaklase ko na binilhan ng mommy niyang mayaman. At sa wakas, pagkatapos ng isang jeep at pagbabayad ng syete pesos Ay nasa tapat na ako ng...
Published 05/24/21
Grade 3. 9 years old. Section Masipag Hindi akma sayo yung section natin. Hindi ka masipag, hindi ka matalino, pero bibo ka. Ikaw yung bida bida sa klase, maingay, at mahilig magpapansin Ngunit may isang bagay akong napansin, hindi ito ang lakas ng boses mo o ang pagdaan daan mo sa aisle ng row ko. Ito ay ang laging mong pagtingin sa akin. Mula sa pagpasok ko sa room, pag baba ng bag, at pag upo sa upuan. Nakatingin ka. At alam ko yun, dahil nakatingin din ako. Dumating ang araw na nagsimula...
Published 05/24/21
Siguro ganito ang pakiramdam ng mga nakarating sa buwan Yung pakiramdam na nakikita mong unti unting lumalayo ang dating mundong iyong ginagalawan Na ang dating abot kamay, ngayo’y tanaw na lamang Na habang papalapit ka sa langit, na siyang mamayang sasaklawin ng kalawakan ay ang siyang paglayo mo sa mga nakasanayan Sa nakasanayan mong mahigpit na yakap mula sa kanya tuwing umaga Sa sabay niyong paguwi pagkatapos ng trabaho At sa pagtanong niya ng “kamusta ka?” tuwing uuwi ka sa kanya,...
Published 04/24/21